in

Strike for a cause!

Rome – Isang ‘strike for a cause’ ang muling ginanap para sa isa nating kababayang si Ma. Lea Lachica noong June 13, 2013 sa TIAM Bowling Roma. Sa pangunguna ng AS Fil-Roma, nagsagawa ng isang 1-day bowling tournament upang makalikom ng tulong pinansyal para sa terminal cancer patient na nanilbihan bilang domestic helper dito sa Roma.

Dinaluhan ito ng 21 non-professional at 7 professional bowling players. Para sa non-professionals, binuo ang 7 teams na may 3 players bawat isa ay naglaban ng 3 set. Ang top 4 teams ng non-professionals ang nag-advanced sa final round. Samantala, naglaban ang 7 professional players ng 3 set at ang nanalong top 4 players ay nag-advanced sa final round at isinama sa top 4 non professionals team.

Tinanghal  bilang kampeon ng ‘strike for a cause’ ang Team Chinese Power samantalang 2nd placer naman  ang Pinoy Bowlers/Knights at 3rd ang Team GPII.

Kasama ng Knights, Pinoy Bowlers, TPZ, GPII at AS Fil-Roma, naging matagumpay ang torneo ng bowling at nakalikom ng 300euro na mapupunta para kay Ms. Lachica. Sa kasamaang palad, bago pa man dumating ang araw ng torneo ay pumanaw na si Ms. Lachica.

Ayon kay Teddy Perez ng AS Fil-Roma na ikinalulungkot nila na hinde man lang umabot ang kanilang munting tulong para sa ginang. Kanyang naibahagi na isang dentista ang lumapit sa kanilang organisasyon at humingi ng tulong sa kanila upang kahit papano ay makalikom ng kaunting tulong pinansyal sa ginang na naghihirap sa kanyang karamdamang breast cancer. Ika-7 ng Hunyo nang sumakabilang buhay ang ginang.

Nais magpasalamat ng mga organisasyong nagtatag ng torneo sa mga sumusunod na tao at grupo na  sumuporta at nag-alay ng kanilang panahon upang isagawa ang ebentong ito:  Hon. Romulo Salvador, Pat Dimaano, Rod Malabrigo, GBI-TBBGI Global at Polo Rome Phil Embassy. (ni: Jacke De Vega)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ANG SABUNGERONG OFW

“Gente di Pasqua”, inilunsad sa Roma