in

Strike for a Cause, handog ng Batangas Varsitarian kay baby Araine

Nagpagulong din ng bola sa kanilang “Strike for a Cause – Oxygen for Baby Ariane” ang Batangas Varsitarian Alumni – Rome Chapter na ginanap noong nakaraang Disyembre 1, 2019 sa TIAM BowlingLanes sa Roma.

Napakagandang adhikain ng Batangas Varsitarian na magbigay ng tulong sa batang si Ariane Recla, isang bata sa Pilipinas na nagkaroon ng karamdaman sa pulmon na mahigit 2 taon ngginagamot. Nakakapitong buwan na din syang gumagamit ng oxygen simula ng ilabassyasa ospital. Masayang masaya ang mga magulang ni Ariane sa ibinigay na tulong pinansyal ng Batangas Varsitarian. Pinasalamatan nya sina Pangulo Mhar Morales, Bise Alvin Valdez, Bise Jose Jaen Jr., Secretary Cyrus Camiso. Treasurer Nick De Luna, Bernadette Morales at Rhea Valdez.

 

Sa mga sumuporta naman sa palaro, pinasalamatan ng grupo ng BV (Batangas Varsitarian) ang RAMGI, EAGLES, USANA,  MABUHAY, PNB, KALATOG PINGGAN, Signor D’ Inella, Tina Razalas ,Zaldy Valdez, Cirilio Toleos, Lhon Robles, Ariel delos Reyes, Tony Siman, Eddie Lantin, Nilo de Castro, Phanie Dipon,Marlon Sanchez Venzon, Nick De Luna, Jose Jaen jr, Noel de Chaves, Johnny Espina at ganun din kina Dora Holgado, Norie Ignaco, Spike de Borja at Teddy Perez.

Nilahukan ng 33 manlalarong Non Bowlers ang palaro at nakamit ni Mon Dimag ang pinakamataas na podyo at pumangalawa si Johhny Espina at pangatlo naman si Teody Manguera. Si Johhny Espina ang nagtala ng may pinakamataas na puntos sa isang laro sa kategorya ng kalalakihan. Sa mga kababaihan naman ay si Edith Abiad ang Kampeonesa, pumangalawa si Yolly Guevarra at pangatlo si Tessie Bugtong na sya ding may pinakamataas na puntos sa isang laro. Nagkamit ng mga Tropeo ang mga nagwagi at may sobre din ang mga nag Champion at Highest Scorer.

Naging masaya ang palaro na nilahukan ng mga nagmula sa iba’t ibang bayan ng Batangas.  Ibinigay din ng mga nagmamatandang mga pinuno at “Trustees” ng BV ang kanilang suporta. Hindi man mga naglaro ay buong suporta sina Cirilo Toloes, Elmer de Joya, Noel de Chavez, Lhon Robles , Rodney Magsombol, Charles del Mundo, Tommy Gan, Rante Arriola, April Magpantay, Tony Siman, Eddie Lantin, Ariel de los Reyes at iba pang myembro ng BV na nagbigay din ng tulong pinansyal.

Nagkaroon ng salu-salong pananghalian ng mga masasarap na pagkaing Italyano  na inihanda nina Signor Paolo at Signor Roberto ng TIAM Bowling Lanes Rome matapos ang laro at parangal sa mga nagwagi

Ang sarap ng pakiramdam ng nakakapagbigay ng tulong ang grupo, masaya na sa paglalaro kahit ngayon lang ako nakapaglaro ng bowling, ayos ito bukas tiyak  ko masasaket ang katawan” ani ng isang kasapi ng BV

Suporta  kami Sir sa pagtulong kay Baby Ariane, umasa ka sa aming grupo”, ang binitawang salita naman ni Pangulong Mhar Morales

Parami na ng parami ang mga grupo at asosasyon sa Roma na nagsasagawa ng “Strike for a Cause” para sa ating mga kababayan sa pilipinas at ang Batangas Varsitarian ay isa na rito. (ni: Teddy Perez)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

13th month pay ng mga colf, babysitters at caregivers – Paano ito kalkulahin?

Pinay, biktima sa salpukan ng truck at filobus sa Milano