in

“Strike for a Cause” ng Guardians International, tagumpay!

Matagumpay na natapos ang “Strike for a Cause” sa Roma ng Guardians International Payatas Quezon City Chapter.

 

Ginanap sa TIAM Bowling Roma noong nakaraang 8 Dismember, ay matagumpay na naisagawa ang “Strike for a Cause” ng Guardians International Payatas Quezon City Chapter.

Pinamunuan ni Pcgs Spike de Borja at ng ibang kasapi sa Guardians at nilahukan naman ng mga bowlers ng FBAI o Filipino Bowlers Association in Italy.

Hinati sa kanya-kanyang kategorya ang bawat manlalaro, Class A-B, Class C-D-E, Women’s, Amateur Men at Women. Sina Ihboy, Edison, Trizley, Marlon at Beth ang mga nagwagi sa kanya.kanyang kategorya.

Ang palaro ay may layuning makalikom ng pondo para sa proyektong “Pamaskong Handog sa mga Senior Citizen sa Payatas”. Kamakailan lang ay nagkaroon ang Payatas Chapter ng “Mass Feeding Program” sa Melencio M. Castello Elementary School sa Payatas, Quezon City. 

Isa lang ang Guardians International 1st District Legion Payatas Quezon City sa mga grupo ng Guardians International 1st Legion dito sa Italy na itinatag ni Master Founder Nazareth Larido.

Tulad ng ibang grupo ng Guardians, layunin ng Guardians International ang pakikipagkapatiran at makatulong kahit sa maliliit na bagay sa ating mga kababayan sa Italy at sa Pilipinas tulad ng “Feeding Program”, pagbibigay ng mga “school supplies”, pagsuporta sa mga proyekto ng ating pamahalaan at iba pang mga nauukol sa pagkakawang-gawa.

Ipinaaabot din ni Pcgs Spike de Borja ang kanyang pasasalamat sa lahat ng “bowlers” na naglaro at sa mga sumuporta sa “1 day league bowling tournament- for a cause” at umaasa syang masusundan pa ang proyekto ng kanyang grupo.

 

ni: Teddy Perez

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PILAHAN WINTER LEAGUE, opisyal nang sinimulan sa Modena

Chess Grand Master Eugene Torre sa Italya!