in

Strike for a cause ng RAM, nagpasaya sa maraming kabataan

Rome, Marso 6, 2015 – 'Strike out!' Ang sigaw ng RAMBO team nang tanghaling CHAMPIONS ng RAM Bowling Tournament “STRIKE FOR A CAUSE” nitong Pebrero sa Roma.

Inorganisa ng RAM Italy Europe (Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa) ang samahan na pinamumunuan ni Nazareth Larido, na may layuning gumawa ng iba’t-ibang proyekto sa tulong ng sports hindi lang sa Roma, kundi sa buong Italya upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa Pilipinas.

Sa ginawang bowling tournament ay 13 teams of 4 players ang naglaban-laban sa elimination at kumuha ng 6 top teams sa final round.

CHAMPION – RAMBO Team ( Planner, Angela, Amor, Ihboy)
1st Runner-up – RAM FIRENZE 5 (Kapre, John, Dimz, Randy)
2nd Runner up – RAM FIRENZE 4 (Tuklaw, Clemente, CK, Arian)
3rd Runner up – RAM FIRENZE 2 (Baby, Manel, Will, Geniune)

Highest Score Ladies – Sonia Santos
Highest Score Men – Elmer Clemente

Ang nalikom ay inilaan sa feeding program na ginanap noong February 17, 2015 sa  Villa Hermosa Elementary School sa STA. CRUZ Ilocos, Sur sa pakikiisa nina Arnel Bagaoisan, Marilyn Della at Jomar Palacpac. Naging matagumpay at maraming mga kabataan ang nabigyan ng saya. Bukod sa pagkain  ay nagkaroon din ng mga parlor games.



 

Jacke de Vega & Teddy Perez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

First ASFIL-ROME Pingpong Tournament

MARJORIE RENNER sa Milan Fashion Week