in

Strike for a Cause ng Samahan ng San Juan Batangas sa Roma

Ang Samahan ng San Juan Batangas sa Roma ay nagsagawa ng isang matagumpay na “Strike for a Cause” sa kanilang “One day Bowling Tournament” noong nakaraang ika-25 ng Agosto 2019 sa Tiam Bowling Roma.

Masayang nagpagulong ng bola ang mga tubong San Juan Batangas at mga bisitang sumuporta sa kanilang palaro. Maraming naglarong mga baguhan sa larong bowling ang natuwa at nakipagsaya.Walang problema na makanal man ang bola basta daw sila ay nagsaya at nakatulong pa.

Pinamumunuan ni Amedeo de Torres ang Samahan ng San Juan Batangas sa Roma at kasama nya sina Reynaldo Aguila at Danny Anyayahan ang kaniyang mga Pangalawang Pangulo, si Nellie Carandang ang Kalihim at sina Eric Gutierrez, Imelda Losanta, Imelda Esguerra na tumulong sa ikaaayos ng palaro.

Sumuporta ang grupo ng TAOC-IG, Batangas Varsitarian, MBR – San Paolo Basketballers, ang grupo ng USANA Rome,mga kasapi ng Samahan ng San Juan, mga kamag-anak at mga kaibigan.

Ang beteranong si Rod Santos ang Kampeon sa Men’s Division, pumangalawa si NelsonAlas-asat pangatlo naman ang isa pang beteranong si Art Belarmino. Sa mga kababaihan naman ay si Yolly Manuit ang kampeon, pumangalawa si Tessie Bugtong at pangatlo si Francia Salem. Nakatanggap ng  mga tropeo ang mga nagwagi at may sobre pa ang mga kampeon.

Isa si Baby Arianne sa Pilipinas, ang batang maysakit na tinutulungan ng Guardians Emigrant nina Quintin Bossing Cavite  at ng TBAI and Friends nina Norie Ignaco ang binigyan ng tulong ng samahan. Magbibigay din sila ng tulong sa mga kababayan nilang  taga San Juan Batangas sa PIlipinas.

Nagpapasalamat din ang samahan sa mga nagbigay ng tulong na sina Jeanlyn Perez, Tita Fe, Leo Capricorn, Violy Sarmiento, Fil Galicia, Rodel at Ime, Apol at Mayet, Lita Gusi, Tess David at sa mga manlalarong nagbigay ng kanilang oras at tulong para sa mga proyekto nila.

Iba talaga ang pakiramdam ng nagsaya ka na, nakapagpasaya ka at makakatulong ka pa… Strike for a cause pa more” yan ang tinuran ni Pangulong Amedeo de Torres.

Teddy Perez

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Depresyon, sanhi sa pagsusunog ng mga sasakyan ng Pinoy

Conte-bis, tuluyang nagpatalsik kay Salvini!