Iwasan ang pagdadala ng mga pinagbabawal na kagamitan, tulad ng mga “stunning devices” sa hand-carried o check-in luggage.
Rome, Pebrero 11, 2015 – Pinapayuhan ang mga kababayang magbibiyahe o papasok sa Hong Kong na iwasan ang pagdadala ng mga pinagbabawal na kagamitan, tulad ng mga “stunning devices” sa kanilang hand-carried o check-in luggage.
Ito ay nasasaad sa isang anunsyo buhat sa Philippine Embassy Rome kamakailan.
Ang babala ay ipinalabas matapos hatulang nagkasala sa pagkakaroon ng mga pinagbabawal na kagamitan ang 81 na Pilipinong mandaragat noong 2014.
Ang mga nagkasala, ayon pa sa anunsyo, ay maaaring maaresto ng Hong Kong police at maaaring magmulta hanggang HK $ 100,000 o humigit-kumulang sa US $ 13,333 o kaya’y masentensiya ng pagkabilanggo ng 14 taon.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]