in

Summer Music Festival Messina, lalong pina-init ang buwan ng Hulyo!

Isang local concert ng mga pinoy Artists para sa pagkakaisa at pagtulong sa St. Anthony Boys Village Davao ang lalong nagpa-init ng buwan ng Hulyo sa Messina.

Ginanap noong Sabado ng July 27 2019, sa pamumuno ni Mr. Hans Christian Ramirez at ng kanyang mga staff ay binuo at pinagsama sama ang mga grupo ng mga banda at mga singers na Pinoy sa Messina.

KA ISA, ito ang tema ng Summer Music Festival Messina ng United Pinoy Artists.

Bukod sa layunin ng pagtulong sa mga higit na nangangailangan sa Pilipinas, hangarin din ng festival ang maipakita at maipagmalaki ang talento ng mga local artists. At napatunayang kayang-kaya nilang makipagsabayan sa larangan ng musika.

Nais din naming maibalik sa ating mga kababayang pinoy ang cultura ng ating musika na kahit tayo ay nandito sa Italya ay maari nating ipagmalaki ang ating musikang pinoy”, ayon sa mga organizers.

At sa pamamagitan ng konsyertong ito ay layunin din naming makapagbigay inspirasyon sa iba pa nating mga kabayan na mahihilig sa musika”, dagdag pa ng mga ito.

Isang gabing punong puno ng saya at puno ng maraming ala-ala, kaya naman lubos ang pasasalamat sa lahat ng ating mga kababayan sa Messina at sa mga kalapit na provincia, sa pakikiisa sa layunin at pagtitiwala sa talentong pinoy tulad ng ipinakita ng FCCM band, Musikeuro, Kinsenas Band at Acoustic Duo nina Jennifer Padul, Maria Galilea Casanada and Andrew Garcia kasama ang ilang magagaling na singers na sina Tristan Jared Hernandez, Daniela Maliglig, Tina Santos, Diane Joy Endaya at Alex Sacsac ng Reggio Calabria.

 

 

Ang tagumpay ng event na ito ay isang patunay na kahit nasa ibang bansa tayong mga pinoy, basta may pagkakaisa ay marami tayong pwedeng gawing mabuting bagay”, pagtatapos ni Hans Ramirez.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Nag-aplay ng italian citizenship at nalalapit ang expiration ng permit to stay. Ano ang dapat gawin?

The habit of saving ang freedom from debt