in

Survey, inilunsad upang pulsuhan ang mga ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas sa Italya

Isang survey ang inilunsad upang pulsuhan ng mga OFW sa Italya ang naging aktitud at programa ng Embahada ng Pilipinas, Konsolato sa Milan, POLO-OWWA Roma, POLO-OWWA Milan, ang Repatriation at ang bayanihan sa hanay ng mga mangagawang Pilipino sa gitna ng krisis pangkalusugan at ekonomiya sa Italya. 

Inilunsad ang 5 araw na pag-aaral ng OFW Watch Italy na sinimulan noong Mayo 8, 2020 ganap na ika-5 ng hapon at nagtapos ng Mayo 12,2020 ika-siyam ng umaga. Sa kabuuan ay nakakalap ng 434 na tugon sa isinagawang on-line survey. 

Narito ang resulta ng isinagawang survey hinggil sa naging aktitud ng mga ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas sa Italya sa gitna ng covid19 outbreak.

Embahada ng Pilipinas – Roma 

Makikita sa pie chart na, 41% ang dissatisfied kung paano hinarap ng Embahada ang Krisis Pandemiko. Samantalang 20% naman ang nagbigay ng grado na satisfied at 18% naman ang highly satisfied sa ginawang pagtugon nito sa krisis pangkalusugan. 

Konsolato Heneral – Milan 

Makikita sa pie chart na mayron 4% diperensya sa pagitan ng dissatisfied 36% at 32% na satisfied. Nakakuha naman 10% ang highly satisfied samantalang 13% naman ang highly dissatisfied. 

POLO-OWWA Roma 

Batay sa pie chart, kapansin-pansin ang 41% grado ng dissastified kung paano tumugon ang POLO-OWWA sa krisis pangkalusugan na dulot ng covid19. Kasunod nito 19% naman ang nagsabi na sila ay highly dissatisfied kumpara sa 5% na highly satisfied. 

POLO-OWWA Milan 

Batay sa natipon na mga datos, hindi nakatugon ng maigi ang POLO-OWWA Milan na nakakuha ng 40% dissatisfaction na boto. Kapansin-pansin na 27% lamang ang satisfied at 14% naman and highly dissatisfied. 

Repatriation 

Ayon sa pie chart, sa kabuuang bilang ng mga tumugon sa survey, 41% ang satisfied kumpara sa 12% highly satisfied sa nangyaring repatriation. Pinapakita din na 28% ang dissatisfied yayamang 11% ang highly satisfied. 

OFWs Bayanihan 

Mula sa pie chart, makikita na malaking bilang ang nagsasabi na sila ay 32% higly satisfied at 31% naman ang satisfied. Signipikante ang ang mga datos para sabihin na buhay na buhay ang ispirito ng Bayanihan sa hanay ng mga OFWs. Samantalang 21% ang nanatiling dissatisfied. 

Kongklusyon

Litaw sa naging tugon ng mga OFWs ang mababang tasa sa dalawang ahensya partikular ang (POLO-OWWA Roma at Milan). Samantalang maganda naman ang naging pagtingin ng mga mangagawang Pilipino sa resulta ng Repatriation lalong higit ang Bayanihan. Bagamat may sinasabing One Country Policy, kapansin-pansin na mas marami ang hindi nasiyahan sa naging aktitud ng Embahada sa Roma kumpara sa Milan kung paano hinarap krisis pandemiko. Sa hanay naman ng mga OFWs, kailangan pa rin maunawaan ang halaga ng partisipasyon sa mga survey na isinasagawa ng mga organisasyon. Kaugnay naman ng aktitud sa pagharap sa covid19, nagpakita ng pagkakaisa at pagtutulungan kahit sa gitna ng panganib na dulot ng outbreak.  (Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

€ 500 para sa buwan ng Abril at Mayo, nakalaan sa mga colf

Regularization, ano ang dalawang pamamaraan na nasasaad sa dekreto? Ito ba ay opisyal ng nailathala?