in

Survey, para sa sosyal na kapakinabangan ng gawain ng mga Saksi ni Jehova sa komunidad

Isang survey ang ginawa ng Saksi di Jehova na layuning alamin ang social na kapakinabangan ng kanilang mga gawain. 

 

Isang survey ang ginawa ng Saksi di Jehova na layuning alamin ang sosyal na kapakinabangan ng kanilang mga gawain. 

Ayon sa survey, mayroong 170 katao ang natulungan ng mga Saksi ni Jehova na alisin ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo, drugs, paglalasing, pagsusugal, karahasan sa loob ng tahanan at iba pa. 

Tinatayang mayroong humigit kumulang na 1,000 mga Pilipino na miyembro ng Saksi ni Jehova sa Center/South Italy. Kilalang-kilala sila para sa kanilang gawain ng pangangaral ng Bibliya, ngunit kadalasan ay hindi nakikita sa komunidad ang kapakinabangan nito. Gayunpaman, sa pamamagitan ng ginawang survey ay maaaring magbigay ng ideya kung gaano naging kapaki-pakinabang ang impluensiya ng mga gawain ng Saksi ni Jehova sa  komunidad. 

Sa ginawang survey sa loob ng kanilang 13 kongregasyon at ilang grupo sa wikang tagalog ay lumalabas na sa pamamagitan ng tulong ng Bibliya ay nakayanan ng marami na alisin ang ilang problema na may malaking epekto sa personal na buhay at sa komunidad, gaya ng drugs, paglalasing, paninigarilyo, pagsusugal,  karahasan sa loob ng tahanan, malaswang pananalita. 

Bukod dito ay nalutas din ang ilang problema sa batas at nagkaroon din ng mga pagbabago sa buhay sa bilangguan pati na rin ang pagtatagumpay sa krisis mag-asawa at naiwasan ang paghihiwalay at diborsyo. 

Lahat ng mga nabanggit na positibong impluensiya ng Sakis di Jehova ay umabot sa 170 katao! Nangangahulugan lamang na mahigit na 10% ng bilang ng mga miyembrong Pilipino sa bahaging ito ng Italya.

Ang ilang mga detalye:

Drugs: 15 – Ito ang bilang ng mga tumigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot o drugs. 

Paglalasing: 49 – Ang bilang ng mga tumigil sa paglalasing.

Paninigarilyo: 35 – Ang mga ito ay tumigil na bilang pagsunod sa kasulatang igalang ang katawan at ang kaloob ng buhay.  

Pagsusugal: 26 – Maraming indibiduwal at mga pamilya ay nakinabang at pinalayas mula sa nakakasirang bisyong ito. 

Karahasan sa loob ng tahanan: 4 – Dahil sa tulong Bibliya tumigil sila sa anumang anyo ng karahasan: sa pananalita, sa pisikal at mental. 

Malaswang pananalita: 39 – Ganito karami ang mga tumigil na sa paggamit ng marahas at malaswang salita bago maging Saksi ni Jehova. 

Mga problema sa batas: 5 – Nalutas ng mga ito ang dating problema sa batas. Sa pangangaral ng Bibliya ng mga Saksi ni Jehova, na walang bayad, sa loob ng mga bilangguan ay marami ang nagbago ng kanilang dating landasin sa buhay. Ayon sa sinasabi rin ng mga awtoridad ng mga bilangguan, marami ang mga positibong resulta tungkol sa kanilang pagbalik sa komunidad at maging productive citizens. 

Krisis ng pag-aasawa: 3 – Ito ang bilang ng mga mag-asawa na malapit ng mag-hiwalay, pero, salamat sa Bibliya natuto sila kung paano mapagtagumpayan ang mga problema sa loob ng pag-aasawa at nanatili nang magkasama. 

 

Maurizio Figliomeni

Office ng Public Information

ng mga Saksi ni Jehova

(Komunidad ng Pilipino sa Italya)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mabinian’s Group of Florence, nagdiwang ng unang anibersaryo at MAPFED naitatag

EUROPEAN PHILIPPINE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (EPIFF), idinaos nang matagumpay sa Firenze