Matagumpay na naidaos ang programang “Ang Babae” o “La Donna” bilang isang selebrasyon sa Buwan ng Kababaihan nitong ika-22 ng Marso, 2025. Ito ay ginanap sa Teatro Parrocchiale di Sant’Andrea sa Piazza Giovanni XXIII sa Bologna.
Mula sa konsepto ng mga kababaihan ng Filipino Women’s League at ng baritonong mang-aawit na si Joseleo Logdat, naihandog ang La Donna -Art, Fashion and Music, kung saan pangunahing ipinakilala sa Bologna ang dalawang mananahi at stilista na sina Annie Capres ng Sartoria Fashionista Filippina-Bologna at si Jocelyn Gacad ng Athea Couture Milan, dala ang kanilang mga likhang-kamay na isinuot ng kanilang mga modelo. Sa bahagi ng musika , kasama ni Joseleo Logdat ang pianistang si Maestro Simone Maria Marziali na naghandog ng mga awitin at tugtuging umantig sa damdamin ng mga manonood. Sa Arte naman ay isang live painting ang ginawa ni Madittz habang umaawit si Joseleo, bukod sa may isang eksibit at sfilata ng mga gawa ng mga kababaihang artista sa grupo ng Bologna Arte Creativa.

Nagbigay din ng maikling pagbati si Manuela Prandini ng Penso a Te, isang financial literacy group na nagbibigay ng kurso sa mga kababaihan ukol sa Financial Management. Pati na rin ang presidente ng Quartiere di Borgo Panigale-Reno, si Elena Gaggioli at si Consigliere Gerardo Solimine na nagpaabot ng pakikiisa at suporta sa mga nag-organisa. Nagpaabot rin ng pagbati ang isa pang Consigliere na si Gabriele Perri at si Honorary Consul Nominee Prof. Gianprimo Quagliano. Ang pagiging guro ng palatuntunan ay ginampanan ni Joy Alvarez.
Pasasalamat sa lahat ng naging bahagi nitong programa:
- Officers, Members and Friends of FWL -Filipino Women’s League
- Penso A Te Aps – Manuela Prandini and Paolo Ficarelli
- Officers of the FEDFAB- Federation of Filipino Associations in Bologna
- Quartiere di Borgo Panigale-Reno
- Parrocchia di Sant’Andrea
- Treno della Barca
- Carlo Chionna – Sound Tech
- Jeff Bello – Photographer
- Marco-Lights
- Decors – Perly Galamay
- ERAFILCOM Friends
- Bologna Friends and Supporters

Mga Modelo:
- 1. Daisy del Valle
- 2. Ems Astorga
- 3. Yna Gracia
- 4. Viola Marquez
- 5. Jeng Bleza
- 6. Cris Zaldivar
- 7. Ibet Caballar
- 8. Ma. Rosalyn Mendoza
- 9. Carmelita Idos
- 10. Rhina Madayag
- 11. Dang Aben
- 12. Rachelle Tabubuca
- 13. Kyle Bleza
- 14. Rhailey Posadas
- 15. Elyria Lorain Acunin
- 16. Maricar Consulta
- 17.Juliet Daylo
- 18. Gigi Dudes
- 19. Mary Anne Corona
- 20. Juliana Macalindong
- 21. Jessica Antonio
- 22. Giuzaira Viesca
- 23. Anastacia Rucreo
- 24. Liona Morigi
- 25. Leonora Elmetto
- 26. Daniela Apelado
- 27. Girls from Milan, Bologna and Roma
- 28. Lito Garcia
- 29. Ben Cesario
- 30. Rey Tonelada
- 31. Gene De Jesus

Mga Artista/Pintor
- 1. Joy Alvarez
- 2. Rodelia Palejon
- 3. Ma. Rosalyn Mendoza
- 4. Carmelita Idos
- 5. Leona Angela Paulino
- 6. Juliana Macalindong
- 7. Katherine Macalindong
- 8. Maribel Naungayan
- 9. Maria Carla Neri

Ang naganap na programa ay pagpapatunay lamang sa kakayahan at kahusayan ng mga Pilipinang migrante sa larangang kanilang pinaglalaanan ng panahon at dedikasyon.
Mabuhay ang Kababaihang Pilipina!
Sinulat ni:Dittz Centeno-De Jesus Mga kuha: Jeff Belo – True Emotions Photography