Mula sa pagbubuklod ng mga miyembro ng Tuy Association in Rome Italy, mas kilala bilang TARI, na pinamumunuan ni Pangulong Airin Atienza, ay isinagawa ang isang matagumpay na pagpapakita ng pagkakaisa noong October 27,2019 sa Tiam Bowling Roma. Ito ay isang torneo na nilahukan ng iba’t – ibang barangay sa bayan ng Tuy na nandito sa Roma. Animnapu at apat na katao ang lumahok na bumuo ng 16 na teams na pumuno sa malaking bowling center na Tiam Bowling Roma.
Mga barangay na nagpaligsahan ay ang Barangay Guinhawa, Magahis, Luntal, Obispo, Palmalyan, Putol, at syempre bilang pakikiisa maging ang mismong taga bayan ay nakiisa din dala ang pangalang SVF mula sa San Vicente Ferrer na Patron ng bayan ng Tuy. Pinuno nito ang buong Bowling Center bilang suporta sa bawat barangay.
Naging mainit ang laban sa final round na siya namang nagbigay ng excitement sa mga manonood.
Tinanghal ang mga sumusunod na barangay sa kuponan ng mga lalaki:
2nd Runner Up ang Barangay Palmalyan nila Chito Cabral, Philip Bambao, Rey Capuyon at Joel Camposo
1st Runner Up naman ang Barangay Luntal nina Sonny Atienza, Eddie dela Rosa, Jojit “Jetstorm” Angulo, Dudz Confiado
At ang tinanghal na CHAMPION ay ang Barangay Guinhawa nila Hector Avena, Rodel Laki, Philip Dayandayan at Edrian Dayandayan
Highest Scorer at Best Striker naman ay sinungkit ni Hector Avena.
Sa kuponan naman ng mga kababaihan mga sumusunod na barangay naman ang nagpakitang gilas sa finale at nakamit ang mga sumusunod na titulo:
2nd Runner Up – Barangay Palmalyan -Yoth Diaz, Yzel Fronda, Nhora Pagdunsulan, Mavic Betis
1st Runner Up – SVF – Elly Adrias , Mutya Alajar, Joyce Cabral, Labs Delos Reyes
Champion – Barangay Guinhawa – Beth Dayandayan , Rufina Gamez, Myla Dayandayan, Azon Delos Reyes
Highest Scorer – Rufina Gamez
Best Striker – Azon Delos Reyes
Nagkaroon din ng salu-salo tulad ng nakagawian. Isang masaganang pananghalian ay isa sa mga ibinibigay sa mga manlalaro.
Masayang makita at maramdaman ang pagkakaisa sa ganitong pagkakataon.
Ang hirap at pagod ay di alintana ng mga organizer at ng mga tumulong. Isa sa nakasama sa tagumpay ay ang mga bihasa na sa pagpapalaro Pcgs Edward Spike de Borja ng Guardians Emigrant ng 17th Division Pillar, Sir Teddy Perez ng AS-FIL Roma and Pres. Randy Fermo ng Filipino Bowlers Association in Italy na mas kilala sa tawag na FBAI.
Nakipagtulungan din ang mga opisyales ng TARI.
Masasabing ito ay tagumpay ng lahat.
Pagkatapos ay nasundan ito ng isang Halloween Party na ginanap sa Le Follie Disco Bar. Muli sa pamumuno at sipag ng President Airin Atienza at Pangalawang Pangulo Philiberth Atatado kasama ang mga opisyales. Dinaluhang muli ng mga kapatid nating Pilipino sa Roma.
Congratulations TARI, congratulations President Airin Atienza Vice Philiberth Atatado at sa buong asosasyon na nagtutulungan para maging matagumpay lahat ng balakin para sa magandang hangarin.