in

Tagumpay ng Knights of Rizal Italy Area Summit 2024: Isang Pagdiriwang ng Mga Prinsipyong Rizalian sa Makabagong Teknolohiya at Industry Revolution 5.0

Knights of Rizal Italy Area Summit 2024

Ang Knights of Rizal Italy Area Summit 2024 ay matagumpay na ginanap noong Oktubre 26-27 sa Grand Hotel Vallombrosa, isang marangya at kumportableng venue sa kalagitnaan ng Italy. Sa ganda ng tanawin at elegansya ng lugar, ang hotel ay perpektong lugar para sa pagninilay at inspiradong mga talakayan. Kasama rin ang masarap na pagkain at maayos na akomodasyon na nagbigay-kumpletong ginhawa sa lahat ng dumalo. Dinaluhan ito ng mga natatanging tagapagsalita, pinarangalang mga panauhin, at mga masugid na miyembro ng Knights of Rizal (KOR) galing sa iba’t-ibang panig ng Italia, Belgium, Francia, Switzerland, Netherlands at Estados Unidos upang talakayin ang temang “Mga Pagpapahalaga ni Rizal sa Makabagong Teknolohiya,” na naka-focus sa mabilis na pag-unlad ng Industry 5.0. Isang natatanging pagkakataon ang summit na ito upang talakayin ang mga prinsipyo ng makataong pamumuno at teknolohiyang nakasentro sa tao, na inspirado sa di-nalulupig na mga halaga ni Dr. José Rizal at ang kaugnayan ng mga ito sa makabagong panahon.

Tema at Mga Layunin: Isang Bisyon para sa Industry 5.0 

Ang tema ngayong taon ay nagtataglay ng mga prinsipyo na siyang maghuhubog sa kinabukasan ng teknolohiya at sangkatauhan, na inspirado sa mga pagpapahalaga ni Dr. José Rizal tulad ng malasakit, etikal na pamumuno, at pananagutang panlipunan. Kung ang Industry 4.0 ay nagdala ng awtomasyon at digital na pagbabago, ang Industry 5.0 naman ay pinagtutuunan ang pagsasanib ng kakayahang teknolohikal at husay ng tao. Sa Industry 5.0, magkatuwang ang tao at teknolohiya upang makalikha ng makabagong solusyon na tugma sa mga pangangailangan ng lipunan. Binibigyang-diin ng Industry 5.0 ang aspeto ng pagkatao sa teknolohikal na ebolusyon, itinatampok ang halaga ng empathy, etika, at pananagutan sa pag-unlad ng teknolohiya. Layunin ng summit na ikonekta ang mga human-centric na prinsipyo ni Rizal sa bagong industriyal na paradigma na ito. Sa pagtalakay sa mga polisiya at layunin ng mga makabagong teknolohiya, ipinakita ng summit kung paano tunay na mapaglilingkuran ng teknolohiya ang sangkatauhan. 

Pagdala ng Bisyon sa Katotohanan: Italy Area Commander at RT Consultus. Nagsimula ang konsepto ng summit sa isang bisyon ni Italy Area Commander Sir Carlos M. Simbillo, KGOR, kasama ang RT Consultus, upang maisakatuparan ang makapangyarihang kaganapang ito. Sa masusing pagpaplano, kolaborasyon, at walang pagod na pagsusumikap, nakapag-imbita ang organizing team ng mga de-kalidad na tagapagsalita at mga paksa na tugma sa adhikain ng summit. Dagdag pa rito, ang suporta ng Philippine Ambassador to Italy, H.E. Nathaniel Imperial, ay nagbigay ng mas mataas na karangalan sa summit, na pinalakas pa ng kanyang keynote address na ipinahayag ng kanyang opisyal na representante sa katauhang mula kay Honorary Consul General of Florence, Dr. Fabio Fanfani, na pinamagatang “Rizal’s Human-Centric Leadership in Industry 5.0.” Ang makapangyarihang mensahe ni Ambasador Imperial ay nagbigay-diin sa mga pagpapahalaga ni Rizal tulad ng empathy, edukasyon, at etikal na integridad ay nagbigay ng inspirasyon sa summit. Binanggit sa keynote kung paano ang teknolohiya ay nararapat na maglingkod sa sangkatauhan, hindi upang palitan ito. Inilahad din ang kahalagahan ng etikal na gabay at mga polisiya sa makabagong teknolohiya upang mapakinabangan ito para sa kabutihan ng lipunan. Tradisyon tungo sa Makabagong Paglapit. 

Nagsimula ang summit sa isang tradisyonal na daloy ng programa ng KOR, na sinundan ng KOR Italy Summit 2024 audiovisual presentation na pinamagatang Legacy of Light, na nagbibigay-diin sa hindi matitinag na impluwensya ng mga ideyal ni Rizal.Isa ring tampok ng programa ang isang makapangyarihang video message mula kay dating Philippine Ambassador sa Italya; Sir Virgilio A. Reyes, Jr., KGOR sa kanyang tema na: “Rizalian Values in the Age of Human-Centric Innovation.” at ibinahagi niya ang kanyang patuloy na pagbibigay ng suporta at kaalaman para sa mga Knights of Rizal sa Italya. Isang kilalang Knights grand officer na patuloy sa pagbibigay ng inspirasyon sa nasabing tema,dumalo rin ang Regional Commander ng Europa at nagbigay ng kanyang mensahe para sa mga miyembro ng Knights of Rizal sa Italya Sir Alberto Arevalo, KGOR, na malalim na tumimo sa mga tagapakinig, binibigyang-halaga ang kahalagahan ng etikal na pamumuno. Kasunod nito, ipinakilala ng theme AVP Humanity & Technology ang mahalagang paglipat mula sa Industry Revolution 4.0 tungo sa Industry 5.0, na binibigyang-diin ang kaugnayan nito sa ating makabagong panahon. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang nakatuon sa teknolohikal na pag- unlad, kundi pati na rin sa muling pagtutok sa mga halagang nakasentro sa tao, na nagpapaalala sa mga dumalo ng mahalagang balanse sa pagitan ng inobasyon at malasakit na siyang naglalarawan sa walang hanggang pamana ni Rizal. 

Mga Kapana-panabik na Paksa at Nakakapukaw na mga Tagapagsalita. Nagpakita ang summit ng apat na mahalagang paksa na ipinakita ng mga respetadong tagapagsalita, na nag- iwan ng malalim na impresyon sa mga dumalo. Si Sir Alexander Onia, KGOR, Area Commander ng Netherlands, ay nagbigay ng video patch sa kanyang talakayan na pinamagatang “Sustainable Development & Technology Progress: The Role of Industry 5.0 in Environmental Preservation.” Kabilang pa sa mga tagapagsalita sina Sir Stephan Breu, KGOR, isang matagumpay na negosyante mula sa Switzerland at bilang Area Commander ay tinalakay ang “Preserving Filipino Values in the Digital Era: Balancing Heritage & Innovation” bilang paalala sa dedikasyon ni Rizal na panatilihin ang mga pagpapahalagang Pilipino. Nagbigay rin ng mahahalagang paalala at mensahe ang panauhin na nagmula pa sa Estados Unidos, si Sir Dr. Emilio Quines Jr., KGCR at si Sir Hon. Consul General Dr. Fabio Fanfani, KGOR, na nagbigay ng kanyang pananaw sa “Engaging the Youth to the Future: Education, Leadership, and Technology” upang maimpluwensyahan ang makabagong henerasyon na yakapin ang edukasyon at teknolohiya. 

Sa ikalawang araw ng Summit bilang tagapagsalita, si Honorable Consul General Elmer G. Cato, Consul General ng Pilipinas sa Milan, ay nagbahagi ng kanyang talakayan na “The Ethics of Innovation in a Digital World” sa Commander’s Ball, na binigyang-diin ang pangangailangan na unahin ang sangkatauhan sa pag-unlad ng teknolohiya at pagbabahagi ng kanyang mga gabay at payo para sa pagtataguyod ng at pagkakaisa ng Knights of Rizal at iba pang mga proyekto sa pagtutulungan ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa Milan at ng Knights of Rizal. 

KOR ITALY – ART SHOW PHILIPPINES PROJECT: RIZAL X TECHNOLOGY AT KOR ITALY E- MAGAZINE: CENTERPIECE

Paglunsad ng KOR Italy at Art Show Philippines Rizal X Technology Art Exhibit. 

Bilang pagbibigay pugay at suporta sa KOR Italy, naglunsad ang Art Show Philippines sa pangunguna ng kanilang Presidente Frederick Epistola, Founder/Curator Art Show Philippines at ng mga kinatawan na mga nagboluntaryong magsagawa ng kanilang mga obra para magbigay kulay sa ginanap na Italy Summit na naaayon sa kasalukuyang tema. 

Dahil sa naturang event, nabigyan ng pagkakataon ang isang Filipina artist na kababayan na si Bb. Zarlyn Mabaquiao na maitampok ang kanyang mga magagandang obra at mabigyan ng pagkakataon na maipakilala sa ating mga kababayan at sila ay nagmula pa sa Valle D’Aosta Valley kasama ang kinatawan mula sa Filipino Community of Valle D’Aosta Region.

 E-Magazine: Centerpiece’ “The Dancing Ink”

Isa sa mga inihanda ng summit ay ang paglulunsad ng unang e-magazine ng KOR Italy Area na pinamagatang The Dancing Ink. Bilang pag-alinsunod sa mga pagpapahalaga ng summit, ang publikasyong ito ay nagbibigay parangal sa pamana ni Rizal at tinatalakay ang mga makabagong isyu, mula sa kanyang mga paglalakbay sa Italya hanggang sa mga repleksyon sa kanyang mga prinsipyo. Ang paglulunsad ng magasin ay nagmarka ng isang makabuluhang tagumpay para sa KOR Italy Area, na sumisimbolo sa dedikasyon ng rehiyon sa pagpapalaganap ng mga ideyal ni Rizal sa mga bago at makabagong paraan. Ang paunang edisyon ay maaari mo nang i-browse, basahin, at maaliw sa mapayapa at kalmadong tugtugin; i-click lamang ang link na ito https://heyzine.com/flip-book/082a743a3d.html o humingi ng kopya kay Sir Carlos M. Simbillo. 

COMMANDER’S BALL | GALA NIGHT

Sa ikalawang bahagi ng summit, ang Commander’s Ball ay naging isang magarbong pagtitipon. Nagpatuloy ang gabi sa masayang ballroom dancing, na nagbigay-kasiyahan at nagpatibay ng pagkakaibigan. 

CHARTERING | ESPESYAL NA GANTIMPALA

Ang ikalawang araw ng summit at Finale. Ang huling araw ng summit ay puno rin ng mahahalagang pangyayari. Itinampok sa huling araw ang isang maringal na Seremonya ng Pagkakabalyero at Chartering ng Knights of Rizal Lazio, Italy Chapter na pinangunahan nina Hon. Consul General Elmer G. Cato at mga pangunahing opisyal ng European Region. Sinundan ito ng Pagtanggap ng Charter, Pagtaas ng Antas at Pagpupugay, kung saan pinarangalan ang mga miyembro para sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa Knights of Rizal at isang makasaysayang Seremonya ng Rededikasyon kung saan taimtim na binigkas ang motto ni Rizal na “Non Omnis Moriar.” Nagtapos ang kaganapan sa isang nakakaantig na sama-samang hawak kamay na pag-awit ng “Pilipinas Kong Mahal,” na nag-iwan ng inspirasyon at pagkakaisa sa lahat ng dumalo sa kanilang dedikasyon sa pamana ni Rizal.

Pagkilala sa Sakripisyo at Dedikasyon ng Organizing Team. Hindi magiging matagumpay ang Knights of Rizal Italy Area Summit 2024 kung hindi dahil sa natatanging dedikasyon ni Sir Carlos M. Simbillo, KOR Tuscany Chapter bilang host Chapter at ng kanyang organizing team, kabilang ang RT Consultus. Binigyan ng pasasalamat ang pagdalo ng mga Opisyales ng Knights of Rizal Italy sa suporta ng mga Kababaihang Rizalista sa buong Italya; Ang Technical Working Group sa pangunguna ni Sir Albert Viray, Sir Dennis Ilagan, Jr., Sir Jayson De Castro, Sir Cris Buenaflor, Sir Reynaldo Rivera, Sir Richard Joseph Miguel, Sir Glenn Tecson, Sir Dhan San Jose, Sir Alfredo Lugue, Lady Ahyie Rivera, Lady Lourdes Cunanan, Lady Glady’s Robles, Sir Augusto Castillo Cruz ng Rome bilang Deputy Area Commander ng KOR Italy, mula naman sa Cagliari, Italy Sir Henry Amboy at Sir Glenn Tecson, mula sa Messina, Italy Sir Romy Lafuente, SIr Divino Ilagan Jr., ng Modena, dating Deputy Area Commander at kasalukuyang Adviser Sir Gerry Adarlo at Sir Ian Atienza mula sa Modena, Sir Paul Buenconsejo mula sa Milan, Sir Butch Enseñado at Sir Rony Hernandez mula sa Vatican City, Sir Jerwin Valencia mula sa Dimasalang Monte Bianco Italy, at ang pinakabagong Chapter Commander sa Lazio, Italy Sir Cris Buenaflor at ang kanyang magigiting na mga bagong miyembro ng Lazio, Vatican City at Tuscany Chapter gayundin ang presensya ng delegasyon ng France sa pangunguna ni Sir Marvin Santiago, mga Chapter Commanders at mga KRI President na nagmula sa South of France. Ang kanilang walang pagod na pagsisikap at pananaw ay nagbigay-buhay sa summit, na puno ng makahulugang talakayan tungkol sa teknolohiya at etika.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Flussi 2025: Mga Dapat Gawin ng Employer bago ang Click Days