in

Talentong Pilipino sa Italya, isinusulong ni Dandy

Isa si Daniele Cipriano sa nagsusulong ng talento ng mga kabataang Pilipino sa Italya.

Kilala sa tawag na Dandy, ang 22-anyos na isa sa mga regular dancers sa sikat na palabas na “Viva Rai 2” tuwing Huwebes. Ipinanganak sa Roma, mula pa nang siya’y bata pa ay ipinamalas na niya ang kaniyang galing sa pagsasayaw.

Nagsimula akong manood kay Michael Jackson. At pinanood ko din ang isang talent show sa TV, ang America’s Best Dance Crew. Una kong naging inspirasyon ang Jabbawokeez, isang american dance group na nag-champion sa first edition ng America’s Best Dance Crew”, kwento ng young artist sa AaP.

Taong 2016, unang sumabak si Dandy sa isang dance competition, ‘Sayaw Kids’. Dito ay napatunayan ng ating young dancer ang husay sa pagsasayaw bilang champion. Sina John Erik dela Cruz at Mark Magsino ang kanyang mga choreographers.

Noong una self-taught si Dandy sa pagsasayaw, sa pamamagitan ng panonood ng mga video sa YouTube at sa panonood ng iba pang mga batang Pilipino na sumayaw. Sa edad na 14 anyos nang pumasok si Dandy sa Bounce Factory Dance Studio sa Rome upang ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang professional dancer. Simula noon, sunud-sunod na ang mga trophies at recognition ang natanggap ni Dandy sa iba’t ibang local, regional at national competition tulad ng Abruzzo HIP HOP Festival, Milan Hip Hop Festival, YO competition, The Beat Dream, World of Dance Rome at The One Dance Competition.

 “Noon pa man ay pangarap kong sumayaw, walang pumigil sa akin at sinunod ko ang aking puso! Nais ko ring maging isang mahusay na artista”, dagdag pa ni Dandy.

Sa ngayon pinakamahalagang achievement ni Dandy ay ang kanyang pagiging isa sa piling dancers sa katatapos lamang na 74th edition ng Sanremo Festival, ang pinakamahalaga at pinaka-inaabangang yearly music festival sa Italya simula pa noong 1951. Si Dandy ay kasamang sinubaybayan gabi-gabi sa telebisyon nationwide sa Italya.

Sa kasalukuyan, isa sa mga regular dancers si Dandy ng Italian comedian, singer, radio and television presenter na si Fiorello sa kanyang weekly program na Viva Rai 2 sa Rome.

Bukod sa nabanggit, isang dance instructor at choreographer din na tinitingala ng mga Italians si Dandy kasama ang ilang matutunog na pangalan tulad nina Jefferson Creus, Allen Gunda, Mark Magsino, John Erik dela Cruz, James dela Florendo at Mongy Tongco.

Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang aking feelings. Super napakasaya and super grateful po sa Dioys. Hindi ko gustong tawagin success ito dahil this is just the beginning! Dine-dedicate ko ito sa aking mga magulang at sa aking pamilya. Gusto kong tingnan nila ako ngayon at sabihin nila na “Proud kami sa iyo”.

Hindi ko rin palalampasin ang pagkakataong ito na pasalamatan ang aking guro na si Sacha De Cesario.”

Laking pasasalamat ko sa Panginoon sa ibinigay nyang talento sa anak ko. At sobrang saya ng pakiramdam ko na makita kong ginawa nya ang kanyang kakayahan at talento sa pagsayaw at pinahalagahan nya ang aming pagpapalaki at pagmamahal. Walang hanggang ang aking kaligayahan na naramdaman”, masayang komento ni Mommy Elsa na walng sawang sumusuporta sa pangarap ng kanyang binata.

“Future Plan? Honestly hindi ko pa alam but i trust the PROCESS!!!” pagtatapos ni Dandy.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 5]

New Highway Code sa Italya: Narito ang mga dapat malaman

ISEE, paano malalaman kung naipadala para sa bonus bollette 2024?