in

Taong 2018, sinalubong ng CONFED Toskana ng Outreach Program

Dinner for a Cause at Outreach program ang dalawang makabuluhang programa ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CONFED bilang pagsalubong sa bagong taong 2018.

 

Makahulugan ang isiginawang pagsalubong ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany o CONFED sa bagong taong 2018. Noong mga nakaraang taon, ang Confed ay pumipili ng ilang mga pilipino na bibigyan ng parangal sa loob ng pagdiriwang ng araw ng pasko o kaya ng bagong taon. Ngayong taon, iba ang naging paraan ng pagdiriwang ng mga kapiyestahan. Isa lamang ang bingyang parangal ng samahan at ang napili ay ang pride of the filipinos sa taong 2017 na si Camille Ann Cabaltera, ang bukod tanging pilipina na nakapasok sa X-Factor 11. 

Nahati sa dalawang bahagi ang pagdiriwang ng Confed sa taong ito. Ang unang bahagi ay ang isinagawang Fundraising “Dinner for a Cause” noong ika-1 ng buwan ng Enero sa American Bar Music Hall, Piazza Liberta’, sa Firenze na dinaluhan ng maraming mga kinatawan ng iba’t ibang asosasyon na kasapi ng CONFED.  Panauhing pandangal  sa nasabing fundraising event ang Cardinal na si Mons. Ernest Simoni na itinalaga ni Pope Francis noong nobyembre 2016 bilang canonico onorario ng Capitolo Metropolitano ng Duomo di Firenze at si  Rev.Fr.Cris Crisostomo.  

Sumuporta ang maraming pinuno at kinatawan ng iba’t ibang asosasyon kabilang ang OFW Watch Tuscany, Saranay Firenze, Timpuyog, Mabinians, Red Soil, Mindoreñans, Antipolo, San Agustin Alaminos, Santo Rosario, San Barnaba, Fil. Independence Group, FNAT, Aguman Kapampangan, Gabriela, Fil.Socio Culturale & Sports, FGG Friends & Co, FIT, PIP SFAAC Pistoia, Pinoy Arezzo, Tau Gamma Phi, SRB, RBGPII Pisa/ Firenze, GBI TBBG, at GPII Ram Red Eagle na taos-pusong pinasasalamatan ng pamunuan sa kanilang pakikiisa sa ebento at sa ipinamalas na kagandahang loob.

Ang pangalawang bahagi ng pagdiriwang ay isiginawa sa pamamagitan ng inorganisang “outreach program” kung saan binisita ng mga kinatawan ng Confed ang ilang mga kababayan na may malubhang karamdaman at wala halos mga kapamilya dito sa italya. Isa-isang pinuntahan ang mga tahanan ng mga ito at sila’y naggugol ng sapat na panahon para maiparamdam sa mga kababayan nating ito ang pagmamahal at pakikiisa ng buong komunidad sa partikular na paghihirap na kanilang pinagdadaanan.

Laking pasasalamat ng mga beneficiaries na sina Mang Godofredo Agcaoili mula Sarat Ilocos Norte, Carlota Adona na taga Balayan Batangas, Lenie Aguinaldo mula Bacarra Ilocos Norte at Aida Mangao na taga Looc Romblon dahil sa ipinaabot na mensahe ng pagmamahal at puno ng pagasa ng buong confederation. Nagbigay din ng tulong pinansyal ang samahan na taos-pusong pinasalamatan ng mga taong nakatanggap.

Ang ginagawa nating ito ay hindi lamang para makipagpaligsahan sa ibang mga samahan o asosasyon kundi ito ay paraan upang maipagpatuloy ang magandang gawain na nasimulan at nkaugalian na ng confed maraming taon na ang nakakalipas. Laging nakatuon ang pansin ng malaking samahan  sa mga kababayan nating nasa mas mahirap na kalagayan kesa sa atin” ang mga salitang binitawan ng Presidente na si Divinia Capalad.

Malaking pasasalamat din ng CONFED  sa mga sumusunod na opisyales na naging katuwang at kaagapay niya sa nasabing outreach program: Committee on Socio-sanita and Health Board Council Chairman Quintin Enciso Cavite Jr., Ang committee heads na sina Cenon Palejon at Remely Abrigo. Committee on Welfare and OFW Rights Board Chairman Rhoderick Ople kasama ang committee heads na sina Luzviminda Paladin at Mely Ople, at Board Chairman on General Affairs na si Willy Punzalan.

Ang tagumpay ng ebentong ito ay isa lamang pagpapatunay na ang mga pilipino saan mang dako ng mundo ay may ginintuang puso na laging nakahandang umagapay sa mga kapatid na may hirap na pinagdadaanan sa buhay, lalong lalo na kung ang paguusapan ay problemang pangkalusugan.  Umaasa ang lahat na ang ebentong  ito ay simula lamang ng isang autentikong bayanihan na  susundan pa ng maraming programang pangkawanggawa.

ni: Quintin Kentz Enciso Cavite Jr.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Renil at Rald, ang mga Pinoy Physical Therapists sa Italya

Chartering ng Eagles at Lady Eagles Club sa Roma, tagumpay!