in

TARI, tagumpay sa pagdaraos ng Fiesta ng Bayan

Ang Tuy Association in Rome Italy o mas kilala sa tawag na TARI ay kilalang organisasyon ng mga Pilipino sa Roma, partikular ng mga taga bayan ng TUY, Batangas. Ito ay nabuo taong 2012.

Nag-umpisa ito sa sipag ni Armando Cabral, kasama ang mga malapit na kamag-anak at kaibigan. Sila ay sina Lolo Eding Vidal, Jun Cardeño, Rodel Cabral, Rustom Camilon, Nimrod Legaspi, Norie Ignaco, Airene Atienza at Bel Cabral.

Noong una ito ay binalak na gawing isang Kooperatiba, pero dahil na rin sa mga suhestiyon ng nakakarami, ito ay naging isang samahan ng mga taga-Tuy, upang mabuklod ang mga magkakababayan.

Naging matiyaga ang founder at di niya ito sinukuan, kasama ang suporta ng mga taong desidido na ituloy ito, tulad nina Kapitan Rustom Camilon na naging Vice President at ang sekretarya na sya na ding nakaisip ng pangalan nito sa tulong ni Founder Armando na mas kilala sa tawag na Manding.

Nabuo ito ng makumpleto ang mga taong inimbitahan. Ilan dito ay sina Eddy dela Rosa, Agustina Guevarra, Placida Macadangdang, Manny dela Rosa, Billy Macadangdang, Rustom Camilon, Nimrod Legaspi, Lolo Eding Vidal, Nick Abiad, Norie Ignaco, Armando Cabral, Montano Dimag, at Jun Cardeño.

At sinimulan na nga ang lahat, Tuy Association in Rome Italy (TARI). Ginanap ang unang kapistahan sa pamumuno ni President Armando Cabral at Vice Rustom Camilon.

Sinikap ng pamunuan na lahat ng mga taga mismong bayan ng Tuy ay makarating, naging malaking bahagi nito si Roy Calingasan na naging Pangulo din. Masasabing napakasaya at tagumpay ang unang Fiesta ni. Ila sa mga naging Pangulo Nick Abiad, Mario Perez, Roy Calingasan, Sonny Atienza at ang nagdaang Pangulo Montano Dimag.

Noong nakaraang May 12, 2019 ay idinaos ang Fiesta ng Tuy sa Roma by TARI para sa pagpupugay sa Mahal na Patrong San Vicente Ferrer, sa pamumuno ni Pangulong Montano Dimag at ng Pangalawang Pangulo na si Neil Dimayuga. Muling pinatunayan ang pagkakaisa, naging aktibo ang mga dating meyembro nito para sa pagtulong sa Pangulo. Naging tradisyon na ang pagsasalin ng katungkulan bilang pangulo.

Ang nakatanggap ng imahe ng San Vicente Ferrer na sumisimbolo bilang susunod na Pangulo ay si Irene Atienza ng Palmalayan.

Masasabing isang masaya at matagumpay at masaganang fiesta ang naganap. Pagtutulungan, umaapaw na pagkain, inumin, sayawan, kantahan ang nasaksihan ng araw na yon. Natapos ito ng maayos at mapayapa.

Pinahanga ng Sambayanang Tuy ang lahat ng dumalo. Tagumpay sa pamumuno ni Pres. Montano Dimag na umaasahang muli sa pagkakaisa sa darating na taon sa bagong pamunuan at ito ay pangungunahan ni Pres. Irene Atienza.

Norie Ignaco

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Alamin ang status ng aplikasyon ng italian citizenship. Narito ang mga hakbang

Balik-tanaw sa unang Araw ng Kalayaan!