in

Tatlong pamilyang nasunugan sa Roma, may bagong tahanan na

nasunugan sa Roma may bagong tahanan Ako Ay Pilipino

Ilang buwan makalipas ang bangungot ng nagliliyab na apoy na tumupok sa tahanan ng maraming Pilipino sa Roma, ay naganap ang makasaysayang pagtanggap ng 3 pamilya ng susi ng kanilang bagong tahanan. 

Matatandaang abo at mga ala-ala na lamang ang natira sa 24 na pamliya, (60 indibidwal) na nasunugan sa Foro Italico Roma noong Agosto noong nakaraang taon. Sila ay pansamantalang inilikas sa isang Centro per Anziani. Ngunit ito ay hindi sasapat upang matugunan ang pangangailangan ng mga menor de edad matapos ang pinagdaanang trahedya. Ang tanging naging pag-asa ng ilan ay ang mga binitawang pangako ng lokal na pamahalaan na hindi sila papabayaan.

Kahapon nga, February 2, 2021, ang Lazio Region sa tulong ng IRASP o Istituti Riuniti Azienda di Servizi alla Persona, sa pangunguna ni Mario Marazziti ay nagkaroon ng turnover ng tatlong tahanan sa mga pamilyang nawalan ng tahanan kapalit ang maliit at simbolikong halaga kada buwan. 

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng mga tumulong. Ngayon ay masasabi na naming magiging normal na ang aming pamumuhay“, ayon sa mga pamilya.

Samantala ayon kay Merle, ang lola ng 4 na menor de edad, hindi na sya umano bumalik sa Foro Italico dahil magbabalik ang sakit na hatid ng mga alaala.

Ang mga susing ito ay hindi lamang pagtugon sa emerhensya bagkus ay tahanang kanilang matitirahan ng matagalan” ayon kay Alessandra Troncarelli, ang Regional Assessor. 

Ang ilan sa 24 pamilya ay nanunuluyan muna sa kanilang mga employer o ilang kaanak. Ang ilan naman ay natulungan sa pamamagitan ng bonus affitto. 

Pasasalamat sa lahat ng tumulong sa filippino community. Sa Centro Anziani del Villaggio Olimpico, kung saan pansamantalang nanatili ang mga pamilya matapos ang sunog, sa Croce Rossa Italiana Comitato II e III Municipio para sa tulong at suporta, sa Direttore del Municipio Presidente ng Municipio II, sa Servizio Sociale Professionale Pubblico del Municipio II, sa PUA, sa Ufficio Tecnico municipale, sa NAE del Gruppo Parioli, al MovieMov, sa IRASP at sa Regione Lazio. (mga larawan ni: Carla Fermariello)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mario Draghi Sergio Matarella Ako Ay Pilipino

Krisis ng Gobyerno: Conte ter, bigo. Mattarella, kakausapin si Mario Draghi.

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas Ako Ay Pilipino

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas? Narito ang maikling Gabay.