in

Tatlong Pilipinong pusher, inaresto

Natagpuan ang telephone number ng supplier ng shabu matapos arestuhin ang pusher, isang Pilipino51 anyos  na naging daan upang matunton ang 2 supplier ng ipinagbabawal na gamot sa Flaminio.

Roma –Abril 5, 2013 –  Inaresto ang isang Pinoy, 51 anyos kamakailan na nagtataglay ng 3 dosage ng shabu sa ginawang anti-drug control ng mga tauhan ni Dr.ssa Giovanna Petrocca sa Via Cassia. Bukod dito, matapos ang ginawang raid sa tahanan ng pusher ay natagpuan din ang 4 dosage ng shabu, electronic weight scale at ilang kagamitan sa pagpapa-pack at malilit na papel na nagtataglay ng mga pangalan ng ‘kliyente’.

Samantala, nagpatuloy ang mas malalim na imbestigasyon upang makilala ang mga supplier ng ipinagbabawal na gamot.

Isang Pilipino, 47 anyos, residente ng Via Cassia, ang napag-alamang supplier nito. Ni-raid ang tirahan at natagpuan ang 100 gramo ng shabu, timbangan at iba pa. Kasama ang asawa nito, 53 anyos na Pilipina, ay inaresto rin at kinasuhan ng pagbebenta ng bawal na gamot.

Ang sekwestradong shabu, ayon pa rin sa pulisya, ay nagkakahalaga diumano ng 500 euros kada gramo at ang 1 dosage nito ay nagkakahalaga ng 70-100 euros. Bukod dito, ayon sa ginawang pagsusuri sa laboratoryo, ay napag-alamang 90% pure ang nasekwestro.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gaano katagal ako maaaring manatili sa Pilipinas ng hindi mawawalang bisa ang aking permit to stay?

OAV voters na di nakaboto sa dalawang eleksyon, makakaboto rin