Sa itinutulak na kampanya laban sa laganap na ipinagbabawal na gamot ay natimbog ng mga kapulisan ang tatlong pusher na pinay sa Milano sa dalawang magkahiwalay na operasyon.
Araw ng huwebes, ika-23 ng enero 2020, nang ikasa ng mga awtoridad ang kanilang anti-drug operationsna pinamunuan ni komandante Nunzio Trabace ng Lambreta Police Station.
Maraming na umanong reports ang natanggap ng mga kapulisan sa kahina-hinalang galaw ng mga sangkot, dahilang upang maging mainit ang mga mata ng anti-drug unitssa mga naireport na mga lugar kagaya ng Piazza Durante, Piazza Loreto, at Quarto Oggiaro.
Ang mga naka sibilyan na mga pulis ay matiyagang nagmatyag sa mga nasabing lugar, at hanap ng mga mata ng mga ito ang ilang mga mukhang nakilala nila batay sa mga natanggap na reklamo. Hindi umano gumagamit ang mga ito ngunit sila ang mga tagadala at taga deliver ng mga orders na shabu.
Natapos ang kanilang paghihintay nang bumaba sa isang taxi ang dalawang suspek sa Piazza Durante at nagmamadaling naglakad direksyon ng Piazza Loreto kung saan sumakay agad ng isa pang taxi. Dumistansya ang mga alagad ng batas, ngunit maingat nilang sinundan ang dalawang babae hanggang sa bumaba ang mga ito at pumasok sa isang lugar sa Via Mambretti. Dito na pumasok sa eksena ang mga imbestigador. Kitang kita ang pagkabalisa ng mga pinay at nang tignan ng mga pulis ang kanilang mga dala-dala ay nakuha sa mga ito ang pitong gramong shabu na hinati-hati na sa labing-isang balot at aabot sa 70 dosages. Maayos na nakabalot ang mga ito sa ilalim ng mga damit ng suspek na nasa loob ng kanyang bag. Napag-alaman na ang dalawang pinay ay mga dati ng kaso na may kinalaman pa rin sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot.
Samantala, sa Lampugnano ay inaresto naman ang isa pang pinay sangkot din sa kalakalan ng shabu. Ang mga paraphernaliang pusher ay natagpuan ng mga kapulisan sa loob ng kwarto nito sa bahay kung saan nagtatrabaho ang huli bilang “badante”.Tatlong supot ng shabu ang nakita sa kuwarto ng babae. Isang naglalaman ng 0.9 gramong shabu, isang may 9.2 gramong nakatagao sa isang drawer, at isa pang plastic bagna may laman na 11.10 gramo ng crystal methna nakasilid sa loob ng isang bag kasama ang mga weighing scalesna ginagamit sa pagtimbang ng mga narepack na mga epektos. Nasa custody na ng mga awtoridad ang mga inaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa batas laban sa droga at illegal possession of prohibited drugs. ni: Quentin Kentz Cavite Jr.