Grupo ng mga Pilipino, nagtatago ng ‘shaboo’ sa loob ng mga cell phones.
Turin, Setyembre 11, 2012 – Patuloy na niyayanig ang Filipino community sa buong Italya bilang pagtugis sa pagpapapasok at pagbebenta sa bansang Italya ng ‘shaboo’, kilala sa malakas na epekto sa katawan ng user, halos sampung beses na mas malakas kaysa sa cocaine at nagkakahalaga ng 250 euros kada gramo.
Matapos mapabalita ang 13 inarestong Pinoy kahapon sa Roma, ibinalita rin kahapon ng Narcotics department ng squadra mobile ng Turin ang sinumulang surveillance sa loob mismo ng Filipino community doon noong nakaraang Nobyembre 2011.
Ayon sa mga report, sa kasamaang palad, tatlong Pinoy ang inaretso dahil nahulihan ng ‘shaboo’ sa loob ng kanilang mga cellular phones. Bukod sa mga Pinoy ay kabilang din sa mga ‘user’ ang mga kabataang Italyano.
Sina Efren D., Percival C. at Greg P. ang mga kinilalang pusher. Ang una ay kasalukuyang walang trabaho, residente at kasamang naninirahan ng ikalawa sa San Salvario. Samantala si G.P. naman ay nagtatrabaho bilang colf sa Milan.