in

Term extension ng Welfare Officer, hiling ng mga Pilipino sa Roma

Extension ng pananatili ni Loreta Vergara, bilang Welfare Officer ang layunin sa ginawang signature campaign. Bukas sa diyalogo at epektibo ang pamamalakad nito sa kanyang 3 taong termino na nakatakda ng magtapos.

 

Roma, Enero 25, 2016 – “Malaki ang magiging epekto ng petition letter dahil may mga nakabinbin o isusulong na usapin ukol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa Italya na alam na ng kasalukuyang Polo OIC sa Italya. Mas madali ang evaluation at maging ang diyalogo ay magiging mas madaling solusyunan. Kung may bagong uupo ay mangangailangan na naman ng mahabang panahon para lubos na maunawaan ang tunay na sitwasyon ng mga Pilipino sa Roma”.

Ito ang mga salita ni Luis Salle, ang spokesperson sa ginawang signature campaign (nagpapatuloy ang online petition) para sa extension ng pananatili ni Loreta Vergara, bilang Welfare Officer bukod pa sa pagiging OIC ng Polo sa Italya.

Isang grupo ng iba’t ibang asosasyon at mga indibidwal ang nagkaisa sa hangaring hilingin na palawigin pa ang pananatili ni Loreta Vergara sa kanyang posisyon sa Italya.

Ito ay matapos aprubahan ni Rosalinda Baldoz, DOLE Secretary, ang lumabas na Memorandum Circular 13 ukol sa Overseas Employment Certificate (OEC) o exit pass ng mga Pilipino sa Italya na matagal na ring hinaing ng mga Pilipino dito.Ito ay maituturing na positibong tugon ng gobyerno. Lalong higit, partikular ang kalagayan ng mga Pilipino sa Italya bilang mga immigrants at hindi maitutulad sa sitwasyon ng maraming overseas workers sa mundo.

Matatandaang isang diyalogo ang naganap noong nakaraang Disyembre kung saan sa pamamagitan ng interbensyon ni Vergara ay naipabatid ng mga Pilipino sa Roma ang hinaing kay Sec. Baldoz.

              Ilang Filcom leaders kasama si Sec. Rosalinda Baldoz matapos ang diyalogo

 

 Immediate implementation naman ang ipinangako ni Secretary. Isang forum ang isinunod ni Vergara sa Embahada kung saan isa-isang ipinaliwanag ni Vergara ang mga pagbabago sa patakaran at requirements sa OEC. Bukod pa sa paglilinaw na tinanggal na ng Polo Owwa ang Verification of Employment para sa mga dati ng workers bagaman nananatili sa mga magta-trabaho sa unang pagkakataon pa lamang tulad ng mga dumating dahil sa family reunification. Samantala, ang Authentication of Nulla Osta ay mananatili naman para sa mga Pilipinong darating pa lamang sa Italya sa pamamagitan ng (future) direct hire o seasonal job.

 

                            Thursday forum ukol sa Memorandum Circular no. 13

 

Para sa mga ofws sa Roma, bukas sa diyalogo at epektibo ang pamamalakad na ito ni Vergara bilang OIC. Ngunit malaki ang panghihinayang dahil ang 3 taong termino ni Vergara bilang welfare officer na nagsimula noong February 2013 ay nakatakdang magtapos na.

Tayo dito sa Rome ay hindi lang tumitingin sa mali o pangit na pamamalakad bagkus ay nagbibigay din tayo ng merit at pagpupuri sa magandang serbisyo at pakikitungo ng isang nanunungkulan dito sa Roma, dagdag pa ni Salle.

Gayunpaman, batid ng lahat na ang tagumpay ng ginawang pagkilos ay batay sa magiging tugon ng awtoridad.

Kulang ang nalikom na bilang ng pirma dahil sa kakulangan ng oras. Kung sakaling hindi naman ma-aaprubahan ang petisyon, malaking bagay na rin ito para professional career ni Maam. Yun man lang po ang maipabaon natin sa kanya”, pagtatapos ni Salle.

Gayunpaman, inaasahan ng mga Pilipino sa Roma na malaki ang maiiwang epekto nito sa mga susunod na darating at manunungkulan sa Roma. Ang Filipino community na nagkakaisang nagsasampa ng mga reklamo at lumalaban sa maling pamamalakad at serbisyo ngunit hindi naman maramot sa pagbibigay parangal sa maayos na pamamalakad at serbisyo. At lahat ng ito ay para sa matiwasay na pamumuhay ng mga Pilipino sa Italya.

Narito ang kopya ng petition letter at ang mga lagda

Patuloy na online petition

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Permit to stay, premyo sa katapangan ng isang undocumented

POEA Memorandum Circular No. 13, ang nilalaman nito