Nanumpa na sa kani-kanilang mga katungkulan ang mga opisyal ng bagong tatag na The Guardians‘ Brotherhood INC., The Original, Bologna Provincial Chapter, nitong nakaraang ika-10 ng Pebrero, 2019. Ginanap ito sa Lunetta Gamberini, Bologna.
Ang mga bagong opisyal ay sina: Ramon Velasco bilang Provincial Founder, si Leonardo Mangubat ang PF for Administration, Eusebio Duyanan ang PF for Operations, Remelito Belen ang Provincial Chief of Staff, si Evelyn Gomez bilang Asst. Provincial Founder on Moral and Welfare, Vicente Mangulabnan sa Election, Ramon Quiling sa Justice, Virgilio Reynaldo sa Interior, Edna Gonzales sa Finance, Chit Torte sa Audit, Milagros Cabrera sa Social Services and Development, Cristobal Perla sa Membership and Promotion at Francisco Butis sa Education and Sports.
Sa pagtatalaga sa kanilang grupo bilang tsapter ay kaakibat na nila ang The Guardians Brotherhood Inc., The Original, na naka-base sa Sta. Barbara, Pangasinan sa Pilipinas, sa misyon at layunin nito.
Ang TGBI-TO ay nakatutok sa kapakanan ng mga miyembro at sa kagalingan ng mga kapwa-Pilipino lalo na sa mga namamalagi at nagtatrabaho dito sa Italya. May mga proyekto at aktibidad din sila na nakatutok sa serbisyo sa komunidad at pagpapalaganap din ng matatag at tapat na kapatiran.
Sa ngayon ay nagsisimula sila sa oryentasyon sa mga bagong kasapi maging sa mga datihan nang kasapi ng Guardians upang higit na mapalalim ang pagkaunawa sa pagiging kasapi ng samahan.
Dittz Centeno-De Jesus