in

THE ORDER OF THE KNIGHTS OF RIZAL- NON OMNIS MORIAR

NON OMNIS MORIAR – “Not all of me will die” – bilang tanda at pagpapahalaga ng ating bayani na hindi dapat mamatay sa puso ng bawat Pilipino.

Gat. Jose P. Rizal, ang martir ng Luneta. Ang ating pambansang bayani na sa pamamagitan ng kanyang isinulat na mga nobela ay siyang gumising sa bansa upang maghimagsik laban sa pananakop ng Espanya.  Kung kaya’t nararapat lamang na simula noon hanggang sa ngayon ay may mga Pilipinong nagnanais na magkaisa at ipagpatuloy ang kanyang makabayang damdamin.

Orden de Caballeros de Rizal. Ito ang unang pangalan ng Samahan ng mga Maginoong Maka Rizal na itinatag ni Col. Antonio C. Torres, noong Disyembre 30, 1911.   Ang samahan ay naglalayon na :

-Maitaguyod ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagbibigay galang sa ala-ala ni Gat. Jose Rizal

-ang pagyabungin sa lahat ng kasapi ng samahan ang espirito ng pagiging maginoo at mapagmahal sa bansa

-ang alamin at ipahayag ang turo ng ating bayani at mapanatiling buhay ang kanyang ala-ala upang maging halimbawa sa lahat ang kanyang buhay at prinsipyo at

-mag-organisa ng mga taunang pagdiriwang bilang pagbigay galang sa ating pambansang bayani.

Sa pamamagitan ng Republic Act 646 na isinulong ni Congressman Manuel Zosa , ito ay naging batas na nilagdaan bilang isang legislative Charter ng dating Pangulong si Elpidio Quirino.  Ang samahan, na ngayon ay tinatawag na The Order of the Knights of Rizal , ay naging isang ganap na samahang sibiko at makabayan na kinikilala ng batas ng Pilipinas noong  Hunyo 14, 1951.

Sa loob ng maraming taon ay lumaganap ang samahan. Dumami ang mga kasapi at nagkaroon pa ng mga sangay na kapulungan o Chapter sa ibang bansa tulad ng  Australia, Bahrain, Belgium, France, Czech Republic, Germany, Thailand at Estados Unidos. Noong Agosto 10, 2013 ay nagkaroon ng chartering sa Roma na pinamunuan ni Sir Romulo Salvador bilang Chapter Commander. Ang 13 bagong miyembro ng Rome chapter ay kinabibilangan nina H.E. Ambassador Virgilio Reyes Jr. at Vice Consul Jarie Osias at ilang mga kinikilalang leader ng Filipino community sa siyudad. Bukod sa Roma ay naunang itatag ang Modena Chapter sa pamumuno ni Sir Emerson Hernandez Malapitan, ang unang Chapter commander sa Italy.  Nagtatag din ng Chapter sa Cagliari at sa Nobyembre namag ay may Chartering sa Firenze kung saan pagkatapos ng seremonya ay pag-uusapan naman ang pag-oorganisa ng Global meeting na gagawing dito sa Italya na inaasahan sa susunod na taon.

Ang pagsapi sa samahan ay dumadaan sa masusing pagkilatis ng mga taong nag nanais sumali batay sa kanilang buhay na dapat ay kakikitaan ng mga pagmamahal sa bayan at sa kapwa. Ang aprobasyon ng bagong miyembro ay mag-mumula pa sa Manila Headquarters sa  KOR Bldg, Bonifacio Drive, Port Area Manila. Si Sir Reghis Romero III KGCR , ang kasalukuyang Supreme Commander of The Order of the Knights of Rizal. (ni: Tomasino de Roma)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

United Pinoygraphers Club o UPC sa Milan

MGA PILIPINO, SI POPE FRANCIS AT ANG BIRHEN NG BONARIA