Limampung mga musikero, mang-aawit at mananayaw ang nagpakitang gilas mula sa school of music ‘Learn and have fun with music’.
Milan, Hunyo 8, 2016 – The Proud Musicians, ito ang titolo ng recital ng ‘Learn and have fun with music’ kung saan limampung mga artists: musicians, singers at dancers, ang nagpakitang gilas at nagbigay-aliw sa higit 400 katao ng Teatro Asteria, Milan noong June 2, 2016.
Sinimulan sa classical, tulad ng ‘Ballade pour Adeline’ ni Richard Clayderman hanggang sa pop music na tinugtugan ng live band tulad ng awiting ‘When I was your man’ ni Bruno Mars, ay ang 50 artists ang tumugtog, umawit at nag-back up singers at dancers sa buong repertoire.
“Lahat ng piyesa ay aming in-arranged at in-adopted sa edad, lebel at boses ng mga estudyante. Infact, ikatlong concert namin ito at ito ang unang pagkakataon na halos hindi ako tumugtog ng piano!”
pagmamalaki ni Laarni de Silva, ang founder-instructress ng school of music “Learn and have fun with music”.
Sa katunayan ay kapansin-pansin, mula sa simula hanggang sa matapos ang konsyerto, ang pag-akyat sa entablado ng mga litte musicians bitbit ang kani-kanilang piyesa. “Mula beginner ay mahalagang they play instruments not only by ears”, ayon pa kay Laarni.
“Bagaman karamihan ay pawang mga beginner ngunit hindi ito hadlang upang umakyat sila ng stage at ipakita ang kanilang natutunan”, dagdag pa ni Laarni.
Mula sa 12 estudante noong 2010, hanggang tuluyang nairehistro ang music school sa taong 2013, sa kasalukuyan ay umabot na sa animnapu ang mga estudyante ni Laarni, na mula colf ay naglakas-loob na maging full-time music teacher.
Bukod sa pagiging mga musicians ay kaaya-aya ring pakinggan ang ‘voicing’ ng mga singers. Sa katunayan ay sumabak ang gosphel choir ng naturang paaralan sa national competion sa Roma noong nakaraang Nobyembre, ‘Tra sogno e Realta’ kung saan 120 ang naglaban-laban.
Mula sa tulong ni Alfonso Casciello, ang Manager/ Adviser at nina Dario Spezia ang guitar instructor at Gaetano Brignone, ang drums instructors ay naisakatuparan ang recital-concert matapos ang limang buwang walang patid na ensayo.
Bahagi rin ng programa ang mga panauhing VIP Dancers group, Psycon crew at sina Vincenzo Carbonello, na tumugtog ng Manila at Raffaelle Cabatay, ang Awit ng Kabataan.
Lubos ang pasasalamat ni Laarni lalong higit sa pagtitiwala at suporta ng mga magulang at nangangakong lalong palalawakin at pagyayamanin ang kaalaman ng mga kabataan sa musika at higit na maibahagi ang kulturang Pilipino sa pamamagitan nito”.
Gayunpaman, ang makapag-perform ang mga kabataan sa isang international event at audience, ay isa sa mga layunin ngayon ni Laarni para sa kanyang mga estudyante.
ni: PGA
larawan ni: Stefano Romano