in

Tik-Tok, dahilan ng matinding away ng dalawang Pinay

Dalawang pinay ang laman ng mga usap-usapan ngayon lalo na sa social media matapos ang matinding away . Ang dahilan? Ang isang video na naipost sa tik-tok na hindi umano nagustuhan ng isa sa dalawa.
Ang 45-anyos ang nagalit nang husto sa mas nakababatang “kaibigan” na 38-anyos.

Uminit ang naging sagutan ng dalawa hanggang sa pisikal na pananakit at mga pagbabanta. Sa aktong ito, ayon sa mga nakasaksi, ay bumunot ng taser mula sa bag ang mas nakatatanda at itinutok sa kaaway. Dito na pumagitna ang isang kaibigan ng dalawa kung kaya’t napigilan ang mas umiinit pang away.

Agad namang nagreport sa mga alagad ng batas sa Ancona ang 38-anyos at isinalaysay ang buong pangyayari. Nahaharap sa ilang kaso ang  agresibong pinay, kasama na ang iligal na pagdala ng taser at pagbibitaw ng mga death threats. 

Samantala, parami nang parami ang naging curious kung ano nga ba ang laman ng tiktok video na nai-upload.  (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 55 Average: 4.2]

Delta variant, higit 18,000 kaso sa huling 24 oras sa UK. Sydney, lockdown ng dalawang linggo

Pinay, nahulog mula sa ika-limang palapag habang naglilinis ng bintana