in

Tribute to Filipino Ragazzi Graduates in Italy, inorganisa ng Philippine Embassy

Nagmistulang Graduation Day ang gabi ng parangal na inorganisa ng Philippine Embassy upang kilalanin ang mga kabataang Pilipino na nagtapos sa mga prestihiyosong unibersidad sa Italya. Kasama rin sa pinarangalan ang mga kabataang Pilipino na kasalukuyang kumukuha ng kanilang Master’s Degree at PhD. Kabilang sa mga kursong tinapos ng mga kabataang Pilipino kung saan ang ilan ay nakatanggap ng pinakamataas na parangal ay Abogasya, Medisina, Nursing, Economics, International Cooperation, Biological Science, Biotechnology, at iba pa.

Taglay ang ngiti ng tagumpay, tinipon ang mga kabataang ito, kasama ang kanilang mga magulang, upang ipagdiwang ang mahalagang okasyong ito.

Sa naturang seremonya, binigyang-pugay ng embahada ang kahusayan at determinasyon ng mga kabataan na nagpatuloy sa kanilang edukasyon sa kabila ng mga hindi mabibilang na hamon.

“The Philippine Embassy recognizes your exceptional academic achievements. Tonight, we honor the latest graduates whose accomplishments affirm the role of perseverance, determination, hard work, and intelligence in completing higher education here in Italy. Your success stories will surely inspire and motivate your fellow Filipino ragazzi here in Italy to pursue their dreams in their chosen fields“, ayon kay Ambassador Nathaniel Imperial.

Aniya isang napakalaking karangalan ang makitang nagbunga ang kanilang pagsisikap. Hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa buong sambayanang Pilipino.

Dagdag pa ni Ambassador, batay sa ulat noong 2022 ng Ministry of Labor, tanging 9.4% lamang ng mga Pilipino sa Italya ang nakapagtapos ng unibersidad; 41% ang mga nagtapos ng high school, at halos 50% ang may diploma sa middle school.

You are the new faces of the Filipino community in the coming years

Pagmamalaki ni Ambassador Nathaniel Imperial at puno ng pag-asa na ang mga kabataang ito ang magbibigay ng bagong mukha at imahe sa filipino community sa Italya.

Ang gabi ay puno ng kasiyahan at pagmamalaki. Isa-isang tinawag ang mga nagtapos upang tanggapin ang kanilang sertipiko kasama ang kanilang mga magulang. Bukod kay Ambassador Nathaniel ay kasama din sa entablado sina Consul General Randy Arquiza at Minister Donna Feliciano-Gatmaytan.

Congratulations to all of us for graduating! For sure, it was a very hard but fulfilling journey. Studying at a university is not easy—it demands hard work, discipline, and perseverance. Balancing multiple commitments while staying focused on long-term goals can be a challenge”. bahagi ng naging short message ni Aira Alessandra Gutierrez, B.S. Biological Sciences Cum Laude.

Nagpakita din ng talento ang isa sa mga graduates. Naghandog ng isang christmas tagalog song si Melisse Abucay sa kanyang co-honorees at mga panauhin upang damhin ang papalapit na kapaskuhan.

Ang selebrasyon ay nagwakas sa isang masiglang salu-salo, kung saan ang bawat isa ay nagkaroon ng pagkakataong magkuwentuhan at magbahagi ng kanilang mga plano para sa hinaharap. Para sa kanila, ito ay simula pa lamang ng mas malaking pangarap—ang maging mabuting halimbawa at ambag sa kapwa Pilipino, saanman sila naroroon.

Ang tagumpay ng mga kabataang nagtapos ay hindi lamang para sa kanila at sa kanilang pamilya, kundi para sa lahat ng mga kabataang Pilipinong patuloy na nangangarap.

photo credit: Tribute to Filipino Ragazzi Graduates in Italy by Rg Ralph G

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Aldren Ortega, kasama sa mga hinirang na Consiglieri di Quartiere sa Modena

Smoking Ban, Ipatutupad simula January 1, 2025