in

Tropical fruit business mission, inilunsad sa Italya

Rome, Hulyo 1, 2012 – Maging ang Pilipinas ay tumitingin na rin sa merkado ng agroalimentare ng bansang Italya. Sa pangunguna ni H.E. Ambassador Reyes noong nakaraang June 26 ay ginanap ang isang pagbisita ng delegasyon ng mga Pilipinino sa CAR (Centro Agroalimentare Roma). 

Kabilang sa nasabing delegasyon ang 9 na katao buhat sa Pilipinas, mga counsilors at staff ng Embahada at mga private entrepreneurs tulad ng fruit growers, distributors at wholesalers at mga exporters ng pinakamalaking grupo ng banana sellers ng bansang Pilipinas: Fine Line Asia, Tadeco, Philippine Bananana handa na ring ilunsad ang kanilang mga produkto sa merkado ng bansang Italya.  Ito ay upang buksan rin sa mga Filipino exporters ang merkado ng mga fresh bananas, na sa kasalukuyan ay nagmumula sa bansang Ecuador, Colombia at  Costa Rica. Isang merkado ng 662.000 tons yearly at nagkakahalaga ng 13.5 billion euros.

Ang kaganapan, na napapalooob sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng Diplomatic Relations sa pagitan ng dalawang bansa, ay inaasahan ang nalalapit na pirmahan ng kasunduan o ng bilateral agreement sa pagitan ng CAR at ng Embahada.

Nagpahayag naman ang Ambasador ng panghanga sa modernong sistema, teknolohiya at organisasyon ng CAR. Inaasahan rin niya na sa nalalapit na partnership, bukod sa future sales ay magkaroon ng palitan ng mahahalagang impormasyon, teknolohiya at maging ng diyalogo upang magsilbing tulay ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Ang delegasyon buhat sa Pilipinas ay binisita rin ang mga supermarkets, fruit shops at ang Doria market sa Roma upang kilalanin ang mga Pinoy fruit seller at upang malaman ang mga tropical fruit na mayroon na ang merkado.

Ito ay bahagi ng direktiba ng Pangulong Aquino upang palawakin ang industriya ng Philippine tropical fruits.

Ang delegasyon ay nagtungo rin sa UAE at pagkatapos ng pagbisita sa Roma ay magtutungo rin sa Brussels at Belgium para sa naturang misyon.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

On line na, www.integrazione.gov.it, ang portal para sa integrasyon

Miss Italia nel Mondo, simula na ang registration