Umabot sa 220,000 pesos ang tulong pinansiyal para sa mga Sendong victims mula sa Filcom Tuscany Region.
Firenze, Marso 21, 2012 – Nagbuklod muli ang Filipino community sa Tuscany upang makalikom ng tulong para sa mga biktima ng mapinsalang bagyong Sendong sa Iligan City at Cagayan de Oro City. Pinangunahan ng opisina ng Honorary Consul, Confederation ng FilcomTuscany at Filipino Catholic Community ng Firenze ang panawagan sa lahat ng gustong magbigay ng tulong.
Di naman nag atubili ang mga assosasyon, kumunidad, religious sectors at mga indibidwal upang makiisa sa magandang adhikaing ito.
Marso 9, 2012 nang ihayag ng Confedcomfiltoscana at Honoray Consulate Office ang tulong na nalikom na umabot sa halagang Euro 2,856.75 (Peso 160,076.18).
Ito ay ipinadala sa ABS-CBN Foundation Sagip-Kapamilya Operation Sendong sa pamamagitan ng Manager na si Gil Baldovino ng BDO Remittance. Ang mga naging donors ay ang mga sumusunod: Filipino Nurses Assn. of Tuscany-Pres. Remely Abrigo, Assemblea Dio Missione Evangelica di Firenze-Bro. Jhun Macatangay, Jesus is Lord-Sis. Dina Buerano, Filipino European Assn.-Pres. Dennis Reyes, RCBC-Mgr. Leo Pinon, Filipino Golden Group-Pres. Teresita Abrigo, United Filipino Assn. in Arezzo-Pres. Chiquita Manuel, Comunita Filipino di Livorno-Pres. Percival Capsa, BDO donation box, Comfil Livorno-Banal na Pagaaral-Pres. Percival Capsa, Filipino Community of Arezzo-Pres. Venus Rabang, FilcomEmpoli-Pres. Allan Macalindong, Alexandra M. Tababa, Gilbo Arjo at Filcom Pisa/Livorno-Pres. Efren Elia and Sena.
Ang Filipino Catholic Comunity of Florence-FCCF sa pangunguna ni Don Giani Guida, Sister Erlita Bautro, FCCF Pres. Reynaldo Rivera at Rev. Father Reynald Corcino ay nakalikom naman ng halagang 60,000 pesos at dalawang malaking balikbayan box ng mga damit at pagkain. Ang naturang halaga ay pinaghati sa dalawang tseke at personal na ibinigay ni Mrs. Perla Jocson miyembro ng FCCF na kasalukuyan nasa bakasyon sa Cagayan de Oro City nang maganap ang trahedya.
Ang tseke ay inihandog sa Diocese ng Iligan City kay Bishop Elenito D. Galido at sa St. Francis Xavier Parish Church ng Cagayan de Oro City kay Monsignor Boy Salvador.
Samantala, ang Consulate at Confedaration ay magbibigay ng mga certificate bilang pasasalamat sa mga tumugon sa panawagan. (ni: Argie Gabay)