in

Tulong Taal Concert, ginanap sa Genova

Humigit na isang daang Pilipino ang nanood sa isang makabuluhang konsiyerto na ginanap ng Filipino Community ng Genova (Filcom Genova) sa Salone Inferiore della Commenda di San Giovanni di Pre noong Sabado, 16 Pebrero 2020 sa pangunguna ng mga Kabataan: March 28 Band kasama ang PRO 101, FCG Youth at BFF’s

Ang layunin ng konsiyerto ay para makalikom ng pondo pantulong sa ilang mga pamilyang nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas. 

Isa sa mabibigyang tulong ay si Nanay Leonila Marqueses, 75 anyos sa Marso at medyo malabo na ang paningin dahil sa sakit na diabetes. Siya ay ina ng isang miyembro ng Filipino Community sa Genova na hanggang ngayon ay hindi pa makauwi sa kanyang tahanan sa Talisay dahil ito ay nasira sanhi ng pag-angat ng lupa o pagkakaroon ng fissure kung saan nakatirik ang kanyang tahanan. 

Isa pang napili na maging isa sa beneficiary ng Pamunuan ng Filcom Genova sa pangunguna ng Presidente, Nonieta Adena ay ang Taal Lake Aquaculture Alliance, matapos makapanayam si Atty. Jellie Molino, tumatayong abogado ng TLAA at kasalukuyang PhD Filipina student sa University of Turin, Italy.

Maraming miyembro ng TLAA ang nag-aalaga ng tilapia ang higit na apektado ang kabuhayan at dahil ang mga pamilya ng mga mangingisda ay nakatira sa Taal kung saan naroon ang bulkan at sa ngayon hindi na maaaring puntahan pa ang Isla. 

Ang main office ng TLAA ay matatagpuan sa Talisay Batangas.

Ang musika ay gagamitin naming instrumento para makatulong sa nangangailangan,” ayon kay Rafael Virtucio, lead guitarist ng March 28 Band.

Kaming mga Kabataan ay nais naming maging bahagi at katuwang ng Filcom Genova para maitaguyod ang kanyang magagandang adhikain,” dagdag ni Ma. Charmaine Plata, vocalist ng March 28 Band at Councilor for Youth ng Filcom Genova. (ni: Nonieta Adena)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Zumba for a Cause, Tagumpay sa Bologna

Sanatoria 2020, fake news!