Pormal na pinasinayaan ang pagkakatatag ng Filipino Community ng Valle D’Aosta noong July 3, 2022, sa tulong ng Philippine Consulate General Milan, Italy.
Ito ay matapos na makapanumpa ang mga bagong talagang opisyales sa harap ni Consul General Bernadette Therese Fernandez sa pangunguna ng kanilang unang naging Presidente na si Mr. Jerwin Valencia, Vice President Grace Valencia Laude, Secretary Noryn Taguinaldo, Treasurer Jocelyn Mabaquiao, Auditor Gina Alamag, Info Communication Jaime Lee Malinit, Community Coordinator Geraldine Paras, Peace & Order Officer Guillermo Anaya, Youth Coordinator Beatrice Laude, Senior Advisers Olivia Urbano at Jocelyn Menendez.
Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng mga Pilipino na nasa Komunidad ng Valle D’Aosta sa mga taga Consulate General ng Pilipinas sa Milan dahil sa kanilang pagdating at pagbigay ng suporta at bukas na pakikipag-ugnayan sa kanilang pamayanan para sa kapakanan ng mga Pilipino na naninirahan sa rehiyon ayon kay Ginoong Valencia na siyang tumayo bilang lider at kumakatawan sa kanilang mga Filipino.
“Kahanga-hanga ang ipinamalas na malasakit ng mga taga-Konsulado sa amin at kami ay natutuwa at nakilala namin ang napakabait na aming Ateng sa Philippine Consulate General ng Milan na si Congen Bernadette Fernandez“, ayon pa sa kanilang Pangulo. Ito ay nagbukas ng magandang pagkakataon na magkakaroon ng matibay na ugnayan at tulungan sa pagitan naming mga Pilipino na narito at sa ating mga taga Consulate para sa mga susunod na mga proyekto sa hinaharap. Kilala bilang napaka-aktibong lider ang bagong Pangulo ng Filcom na kung tawagin ay si Kuyang, Tol or President Jerwin Valencia kung saan siya ay maraming kakilala at aktibong nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang lugar na may mga Pilipino hindi lamang sa Italya kundi maging sa buong Europa.