Roma, Oktubre 1, 2012 – Integrasyon at karapatan ng mga migrante ang mga naging tema sa Europe-wide D2D Conference sa Roma ng mga Pinoy na nagmula pa sa iba’t ibang bansa sa Europa. Hindi man ito bagong usapin, nararapat lamang itong ulit-ulitin at patuloy na ipaalala sa bawat isang Pilipino upang maging handa sa ano mang pagbabagong maaaring maganap sa host country.
Mahalagang maintindihan kung ano nga ba ang kahulugan ng integrasyon sa host country na sa daloy ng mga workshops, may mga kasagutan at pananaw na naibahagi mula sa mga kinatawan ng bawat bansa. Ang bansa umano ay may common issues and concerns on the integration, paano ito maisasagawa at sino ang dapat na magtulong-tulong sa pagpapatupad ng mga ito. Malinaw na sa pag-uusap ng bawat mga bansa, “itegration doesn’t mean assimilation. An integrated migrant doesn’t loses her/his own identity” – ayon sa grupo ni Malu Padilla ng Netherlands.
“Ang makasali sa ganitong convention ay importante sa akin bilang isang OFW. Bagong challenge sa akin ang magkaroon ng mas malawak na network sa mga asosasyon na nagmula pa sa iba’t ibang bansa. Parte ako pagbabago at mahalaga sa akin ang makapag-ambag sa sosyedad ng Italya. Naniniwala ako na kung kasali kami sa policy making at sama-sama nating itataguyod ang ating iisang layunin, may pagbabago sa buhay ng mga migrante sa labas ng bansang Pilipinas.”, ayon kay Mel Bauzon ng Cosenza, cultural mediator at President of Piccola Comunità Filippina at Vice President ng Baobab Association of Cozenza at 20 years na naninirahan dito.
Ayon naman kay Hon. Romulo Salvador, nahalahal na Consigliere Aggiunto sa Roma Capitale noong taong 2005, patuloy niyang itataguyod bilang konsehal ang “right to vote” na minsan ng tinanggal nang iwan ng ating mga kababayan ang ating sariling bansa at muling naibalik lamang ang karapatang boto para sa mga OFWs nang aprubahan ang OAV Bill noong 2004. Ang karapatang ito ay mahalaga rin sa bansang tumanggap sa atin. Subalit may hadlang sa karapatang ito kung walang permit to stay o permesso di soggiorno ang isang dayuhan. Isang papel na pinakamahalaga upang mamuhay at makamit ang mga pangunahing karapatan.
Inaasahan na ang mga temang tinalakay ay hindi matatapos sa tatlong araw lamang ng convention. At bilang unang aksyon ay naisakatuparan ang pagbubuo ng EUROPEAN NETWORK OF FILIPINOS IN DIASPORA na kinabibilangan mismo ng mga delagates mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang maipatupad ang mga layunin ng 1st Filipino Europe-wide D2D Conference.
EUROPEAN NETWORK OF FILIPINOS IN DIASPORA
D2D AD HOC COUNTRY REPRESENTATIVES
ITALY : MONS. JERRY BITOON
NORWAY : RENEE IKDAL
DENMARK : FILOMENITA HOEGSHOLM
GERMANY : OGGIE MARISTELA
GREECE : BELLA SANCHEZ BACASEN
ISRAEL : DR. MAMERTO MALANUM
SWEDEN : RACHEL HANSEN
UK : GENE ALCANTARA
NETHERLANDS : ROHLEE DE GUZMAN
SWITZERLAND : DIOMEDES EVIOTA
EASTERN, CENTRAL EUROPE AND MALTA: MARISON RODRIGUEZ
By: D2D Media Committee – Rome