in

Unang DFA Command Conference sa Milan, makasaysayan!

Ginanap sa Milan Italy ang unang DFA Command Conference kung saan naging bahagi rin ang filCom leaders. Tinalakay ang bagong ATN fund at LAF guidelines, OFW bank at ang social media bilang mahalagang instrumento ng mga ofws sa kasalukuyan. 

 

Iniukit sa kasaysayan ang unang-unang ginanap na DFA Command Conference kung saan ang mga Philippine Ambassadors sa Europa, Middle East at Africa ay nagtipon-tipon sa Milan upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon at mga suliranin sa bawat bansa hindi lamang ng mga diplomatic posts kundi pati ng mga residenteng Overseas filipinos. 

Ang dalawang araw na pagtitipon (January 27 at 28) ay pinangunahan ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano, Labor Secretary Silvestre Bello III, Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola at 38 Philippine Ambassadors, sa pakikipagtulungan ng PCG Milan sa pangunguna ni Consul General Marichu Mauro.  

Bring the Department of Foreign Affairs closer to OFWs”, ayon kay Secretary Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng nasabing conference. 

Sa katunayan, kapansin-pansin ang presensya ng 8 filcom leaders na naging bahagi ng mahahalagang diskusyon sa pagtitipon. Sila ay sina Ed Turingan, Dar Tupas Arcega at Lucita Abad mula sa Milan, Divina Guerrero at Fred Umayam mula sa Bergamo, Pia Abucay mula sa Roma at Corie Laraya Coutts mula sa Totonto Canada. 

Matapos ang pagbubukas ng conference ay inilahad ni Usec Arriola ang New Assistance to Nationals (ATN) Fund and the Legal Assistance Fund (LAF) Guidelines kung saan nasasaad ang pagtaas ng ATN fund mula P400 million sa P1 billion at ang LAF mula P100 million hanggang sa P200 million, para sa taong 2018. 

Lakip ng bagong guidelines na simulang ipinatupad ngayong Enero 2018 ang “mabilis na pagtugon at mas pinahusay na serbisyo ng DFA sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-diyalogo para sa mas epektibong pagtugon sa dumadaming distressed OFWs na nangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno”, bigay-diin ni Usec Arriola. 

Kaugnay nito, nilinaw ni Usec na ang ATN fund ay nakalaan sa lahat ng mga Pilipino, documented o undocumented man.

Bukod sa medical repatriation at repatriation of human remains, ayon sa bagong guidelines, bahagi ng fund ay nakalaan rin sa reintegration of Ofws, assistance to the family of distressed ofw, opening of shelters, hiring of new staffs and interpreters, security of ofws in high risk area, communication (social media) or operation center at iba pa. 

Samantala hindi naman ipagkakait ang legal assistance sa mga Ofws na magiging biktima ng illegal recruitment at sa mga masasangkot sa immigration or deportation cases at police or criminal cases.  

Naging bahagi rin ng conference ang pagpapaliwanag ukol sa kalulunsad lamang na OFW Bank mula kay LandBank President & OFW Bank Chairman Alex Buenaventura. 

Ayon kay Buenaventura, inilabas ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 44 na nag-aatas sa Land Bank of the Philippines na mabili ang Postal Bank upang maitayo ang OFW Bank.

Ayon pa sa bank Chairman, ito ay makakapagbigay ng benepisyo hindi lamang para sa mga overseas Filipinos workers ngunit pati na rin sa lahat ng mga Pilipino sa ibang bansa, kasama na rito ang mga immigrant, at mga nagkaroon ng resident visa.

Bagaman sa mga unang buwan ay dadaan pa rin sa mga money transfer services, ang Of Bank ay inaasahang magbibigay ng pinakamura, pinakamabilis, secure, at convenient mobile credit-to-account-system remittance service para sa mga overseas Filipinos sa hinaharap. Mag-aalok rin ito ng iba’t ibang deposit product tulad ng Peso ATM Savings, time deposit, at checking accounts. Isa rin sa nakatakdang ilunsad ang Future Need Savings Plan upang mahikayat at magbigay inspirasyon sa mga overseas Filipinos na matutong magtipid ng kanilang kita.

Magkakaroon rin ng oportunidad ang mga overseas Filipinos para makakuha ng maaasahang loan at investment product para makapagpatayo ng kanilang sariling bahay, magtayo ng sariling negosyo, at maging co-owner ng bangko sa pamamagitan ng pag-iinvest sa preferred OF Bank shares.

Iaalok rin ng bangko ang mga Payment services nito para sa mga overseas Filipinos upang mas madali nilang mabayaran ang kanilang SSS, OWWA, Philhealth dues, insurance premiums, credit card at iba pang mga bill at tuition fee ng kanilang mga benepisyaryo sa Pilipinas.

Sinundan ito ng partesipatibong Q&A sa pagitan ni Mr. Buenaventura at ng filcom leaders ukol sa mga magiging serbisyo ng OF Bank. 

Gayunpaman, ito ay inaasahang magiging interactive sa susunod na taon. 

Nagkaroon rin ng mahalagang bahagi sa conference si assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) Mocha Uson

 

Sa kanyang pagsasalita ay ipinakilala sa mga Ambassadors at binigyang halaga sa kasalukuyang panahon ang social media. Ito aniya ay ginagamit na instrumento ng ating mga kababayan sa ibang bansa upang magkaroon ng higit na impormasyon gayun din ang maiparating ang kanilang hinihinging tulong.  

Tatay Digong is a Social Media President dahil na rin sa tulong ng social media sa kanyang kampanya at kanyang pagkapanalo sa naging eleksyon”, ayon kay Assec Uson. 

Ayon pa kay Uson, ang mga Pilipino ay gumagamit ng facebook ng apat na oras kada araw.

PGA

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paglaganap ng Influenza sa bansa, ang paalala ng Embahada ng Pilipinas

Aplikasyon ng bonus asilo nido 2018, simula na!