in

Unang Export ng Philippine Mango sa Italy, Available na sa mga Pinoy Stores sa Roma!

Sa pagsusumikap ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Italy (PCCI) at sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa pangunguna ni H.E. Ambassador Nathaniel Imperial at ni Agricultural Attaché Josyline Javelosa ay available na sa iba’t ibang Pinoy Stores sa Roma ang kinasasabikang matamis, malinamnam, at walang kasing sarap na mangga direkta mula sa Pilipinas.

At ngayong araw ng Lunes, June 2, ang mga opisyal at miyembro ng PCCI kasama si Ambassador Imperial at Agricultural Attaché Javelosa ay nagdiwang sa tagumpay ng kauna-unahang commercial shipment ng Philippine mangoes sa Italya na may bigat na halos kalahating tonelada. Ito ay ginanap sa Pinoy Saver’s Mart Battistini na isa sa official dealer ng manggang Pilipino sa Roma.

Ang okasyon ay dinaluhan din ng kinatawan mula sa Confederazione Nazionale dell’Artigianato e della piccola e media impresa (CNA) na nagpahayag ng suporta sa patuloy na pag-angat ng agrikultural na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Italya.

Ipinahayag ni Dennis Carrascoso, ang Chairman ng PCCI at nanguna upang maisakatuparan ang proyekto, ang hangarin ng grupo na palawakin pa ang merkado ng mga produktong Pilipino sa buong Italya at sa Europa, simula sa pinagmamalaking produkto ng Pilipinas—ang mangga. Aniya, sa pamamagitan ng pagtutulungan nila ni Benford Fortuna ng Sarap Restaurant para sa aspeto ng pinansyal, at ni Jocelyn Tupino ng Pacific Cargo para naman sa dokumentasyon, ay matagumpay na naisakatuparan ang proyekto.

Mula sa PCCI, lubos po ang aming pasasalamat sa Embahada ng Pilipinas, at sa mga kababayang sumuporta at susuporta pa sa mga susunod na proyekto ng PCCI”, ayon kay Carrascoso.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang simbolo ng mataas na kalidad ng agrikultura sa Pilipinas, kundi isa ring hakbang patungo sa mas malawak na oportunidad para sa mga magsasaka, exporters, at negosyanteng Pilipino sa internasyonal na merkado. Umaasa ang mga kinauukulan na ito ay simula pa lamang ng mas maraming shipment sa mga darating na buwan.

Ang Philippine mangoes ay available na din sa ibang Pinoy Stores sa Roma tulad ng Mancini on the Go, Sarap Restaurant. (Photo: Boyet Abucay)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 5]

256 Dayuhan, Deported! Paalala sa mga May Permesso di Soggiorno!

Referendum 2025 sa Italya: Narito ang mga Dapat Malaman para sa June 8 & 9