in

UNAR sumagot sa hinaing ng komunidad laban kay Bonolis

Ang National Office Against Racial Discrimination (UNAR) ay sumagot sa hinaing ng Filipino community at tinawag ang pansin ng mga writers ng tv program “Avanti un altro”. “Isang bukas na lipunan maging sa telebisyon”.

Roma, Disyembre 3, 2013 – Paolo Bonolis, impersonator ng isang "Pilipino"? Isang parody na "hindi tama at naglarawan ng demeaning stereotypes."

Matapos ang malawakang protesta buhat sa Filipino community, na kasalukuyang naghihintay pa rin ng public apology, buhat sa host at sa mga writers ng programnang “Avanti un’altro” ay dumating ang isang kasagutan buhat sa UNAR at isang paanyaya sa programa na huwag na muling magpalabas ng nahahawig na skits.

Sa episode noong Oktubre 19 ng nabanggit ng tv program, na kumalat sa social network, ay mapapanood si Bonolis bilang isang impersonator:“Io pilippino, vengo da pilippine, faccio pulizia e faccio domande di economia domestica”. At ang nakakatawag pansin na kanyang pagtayo kasabay ng paglagay sa dbidib ng kanyang kamay na may hawak na basahan habang pinatutugtog ang “Lupang Hinirang”.

Bilang isang Konsehal, na kumakatawan sa mga imigrante at samakatwid sa Filipino community sa Konseho sa Roma, ay hiningi ni Romulo Salvador ang pagkilos ng UNAR, partikular laban sa kawalang-galang sa National anthem na mahalaga para sa buong sambayanang Pilipino, “bahaging ng sketch na higit na nakasakit ng damdamin”. Ang UNAR , matapos ang pagsisiyasat, ay nagpadala ng isang liham sa direktor ng programa at sa presdiente ng Autorità per le Garanzie nelle Comunicazioni o AGCOM at (copy furnished) sa konsehal sa Roma Capitale.

"Ang ginamit na salita at ang buong sketch – ayon kay si Marco De Giorgi ng UNAR – ay itinuturing na hindi tama at nagbibigay-daan sa paglaganap ng demeaning stereotypes, tulad ng kawalan ng kakayahan upang makapagsalita ng wasto sa wikang italyano, laban sa Filipino community, na humaharap sa malaking trahedyang sinapit ng kanilang bansa at nakikibahagi sa proseso ng integrasyon na may layuning matagpuan sa ating bansa ang pagbibigay ng dignindad sa isang tao buhat sa panuntunan ng demokrasya”.

Bukod dito ay ipinapaalala ng UNAR na ang paggamit ng pambansang awit ng Pilipinas, sinamahan ng isang imahen na nakikinig sa awitin, at ang kamay ay nasa dibdib hawak ang isang basahan, ay naging sanhi ng protesta buhat sa mga asosasyon at maraming mamamayang Pilipino na nag- nais na ipahayag ang kanilang pagkadismaya at galit sa kawalan ng paggalang ni Bonolis.

Kasunod nito ay isang paanyaya sa mga may-akda ng "Avanti un altro” na maingat na subaybayan ang mga pananalitang ginagamit ng mga host o ng sinumang nagsasalita sa programa, at maging daan, ang bumubuo ng programa, sa paglaban sa prejudices at stereotypes at tumulong sa pagbuo ng isang bukas na komunidad at sa pagpapalaganap ng kultura ng pagtanggap”.

Malugod na tinanggap ni Romulo Salvador ang naging posisyon ng UNAR at naniniwala na ang Mediaset ay haharapin ang responsabilidad sa patuloy na katahimikan nito hanggang sa ngayon. “Higit na aking ikinagagalak – dagdag pa ni Salvador –  ang pakikiisang natatanggap sa social network buhat sa mga maraming kaibigang Italyano at mga Italyano sa buong mundo. Ang kanilang pakikiisa ay nagpapagaan sa aming kalungkutan.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Knights of Rizal sa ika-107 Anibersaryo sa Firenze

Lutong Pinoy ng Cucimondo para sa biktima ng bagyong Yolanda