in

United Ilonggos in Italy nanatiling matibay ng mahigit walong taon

Nanatiling solid pa rin ang grupong United Ilonggos in Italy o UNITY mula nung itinatag ito ng taon 2010 sa pamamagitan ni Wilde Colendres at ilan sa mga kasamahan niyang mga ilonggo na nagtulong-tulong sa pagtayo nito.

Kamakailan lamang ay naipasa kay Edgardo Franco ang liderato ng nasabing grupo na siya ang pinusuan ng kanyang mga kababayan at nakuha niya ang pinakamataas na posisyon sa pamamagitan kanilang UNITY election of 2018 Officers.

Si Franco ay pangatlong presidente ng grupo na dapat ay pang-apat subalit naunsiyami ang nakaraang eleksyon kung kaya’t nanatiling presidente si Colendres.

Maliban sa mga miyembro ng UNITY, ay naron din ang ibang mga FilCom leaders na sumusuporta sa kanila, mga kaibigan na nakiisa sa ginanap na makabuluhang thanksgiving at induction ng UNITY officers na ginanap sa Navegro-Tregarezzo, Milan.

Si Philippine Consulate General in Milan Vice Consul Flaureen Dacanay ang naging guest speaker. Sinabi niya na mahalaga ang pagsasagawa ng katulad nitong mga events upang manatiling nagkakaisa ang bawat miyembro.

“Napakasaya ko na naka attend ako ngayon, napakahalaga itong mga pangyayari hindi lamang sa Milan pati na rin sa Northern Italy, dahil ito ang nagpapatibay ng Filipino Community natin” , ani Dacanay.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino kay Franco, sinabi niya na sa kanyang pagiging presidente ng UNITY ay malaking hamon umano sa kanya.

“Maraming gustong maging member, gusto naming mabuo yong sinimulan natin nitong 2018 na kailangan natin palawakin ang grupo. Ang aming goal dito ay makontak lahat ng mga ilonggos para mag sama-sama at magkaisa”, tugon ni Franco.

Sa kanilang layunin, dagdag pa niya ay mas marami silang matulungan sa kanilang mga kababayan sa Pilipinas katulad ng mga biktima ng mga nakaraang kalamidad sa Pilipinas, ang grupong UNITY ang nagungauna dito sa Milan ang nagbibigay ng donasyon sa pamamagitan ng “cash or in kind”.

Dalawang taong uupo bilang presidente si Franco na pangangalagaan ang UNITY, pagtulong sa sambayan Pilipino sa tulong ng kanyang mga bagong officers at mga members.

Sa ilalim ng administrasyon ni Duterte ani Franco ay palalawakin nila ang pagiisip ng mga pinoy na silang mga ilonggo ay may pinapakitang magandang halimbawa, maliit man o malaking tulong na kanilang hinahambing sa layunin ng kasalukuyang aministrasyon “Ang Pagbabago”.

Sa kampanya laban sa ipnagbabawal na droga ay pangangaralan nila ang mga kabataan dito tungkol sa mga masamang idinudulot ng ipinagbabawal na droga, kung kayat bilang asosasyon ani Franco ay hihikayatin nila ang mga kabataan na magkaroon ng mga activities at isa rito ay ang paglulunsad ng isang pagtitipon ng mga kabataan para sa kanilang magiging magandang kinabukasan.

Sa larangan ng palakasan ang ihinalimbawa ng UNITY President dahil ilan sa UNITY members ay kasapi sa mga iba’t ibang sports groups na magbibigay ng supporta sa mga kabataan at hihingi din sila ng tulong sa ibang grupo dito sa Milan.

Kapit bisig ang buong miyembro ng UNITY upang tulungan ang mga kabataan sa Pilipinas lalo na’t mga magulang na hindi na kayang tustusan ang mga kagamitan pang eskuwela para sa kanilang mga anak

Samantala, nagkaroon ng isang maikling programa ang UNITY at pagkatapos nito ay iprinisinta ng UNITY founder Wilde Colendres ang mga 2018 UNITY officers, at si Vice Console Dacanay ang nag officiate ng oath sa kanila, ipinangako din ng bawat isa na gaganampanan ang kanilang tungkulin para sa ikabubuti at ikakaganda ng reputasyon ng kanilang grupo.

 

UNITY Officer 2018

President: Edgardo Franco

Vice President: Alberto Mengane

Secretary: Rhonnamy Cadarin

Executive Secretary: Daisy Lyn Pamposa

Treasurer: Lelanie Caputero

Executive Treasurer: Reynida Cadarin

Auditor: Martina Chiva

PRO: Mylyn Castronuevo

Executive PRO: Editha Mondragon

Sergeant at Arms: Francisco Omani, Romar Lunag

Chairman of the Board: Emmanuel Osorio

Deputy Chairman: Gima Bayhon

BM Mindanao: Frederick Belo

BM Capiz-Roxas: Randy Apruebo, Nelson Bayhon

BM Negros: Nicanor dela Cruz, Jovanne Javellana

BM Iloilo: Jonathan Camarista, Mary Jean Catedrilla

BM Aklan: Luisa Samson

BM Antique: Richard Berano

BM Guimaras: Rosela Vilchez

Advisers: Wilde Colanders, Domingo Borja

 

Chet de Castro Valencia

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cassetto Previdenziale, may access na rin ang mga intermediaries

Bowling Tournament sa ika-apat na anibersaryo ng RAM-IE