Ang kontrobersyal na split-decision win ni Timothy Bradley laban kay Filipino ring icon Manny Pacquiao sa MGM Grand sa Las Vegas ay umabot na hanggang sa Senado ng U.S.A.
Sina Senator John McCain (isang Republican mula Arizona na nahilig din sa boksing habang nasa US Naval Academy), at Senate Majority Leader Harry Reid, (ng Nevada Democrat at dating middleweight boxer), ang mga nagnanais bumuo ng United States Boxing Commission.
Layunin diumano ng mabubuong komisyon ang magpatupad ng mga federal boxing law, makipagtulungan sa industriya at local commissions, at paglisensiya sa mga boxers, promoters, managers at mga sanctioning organizations. Ito rin ang siyang mamimili ng mga opisyal, judge at referees na mamamahala sa bawat bout.
Samantala, kasalukuyang sumasailalaim sa hot seat ang mga hurado dahil sa alegasyon ng pandaraya, maling desisyon at sabwatan sa mafia, matapos ang nakakagulat at hindi matanggap na pagkapanalo ng undefeated boxer na si Bradley.