in

VIP dance group lumahok sa 33rd Milano Int’l FICTS fest 2015

Ang VIP dance group ay lumahok sa33rd Milano International Federation Internationale Cinema Television Sportifs (FICTS) Festival 2015,  isang international event na ginanap sa Milan.

 

Milan, Nobyembre 12, 2015 – Karangalan muli para sa mga Pilipino na maimbitahan sa isang international event, ang 33rd Milano International Federation Internationale Cinema Television Sportifs (FICTS) Festival 2015 na ginanap sa Palazzo Cusani, Milan Italy.

Tampok ang ilan sa mga dance groups mula sa iba’t ibang bansa na sumayaw ng kani-kanilang mga cultural dances na isa sa mga bahagi ng programa ng nabanggit na event.

Ang nasabing festival ay dinaluhan ito ng mga delegates mula pa sa China, Japan ,Russia, Uzbekitan, Brazil, USA at iba mga bansa upang mapanood nila ang mga short films tungkol sa mga world championship ng cinema at sports television.

Maliban sa mga short films na ipinalabas ay nagpakitang gilas ang bawat bansa na naimbitahan ng mga organizers ng festival. Ilan dito ay mula sa Brazil, El Salvador, Peru, Spain at ang Pinoy VIP dancers na pinamunuhan ng kanilang dance instructor na si Xp Evangelio Dimaano.

Ayon sa dance instructor, maliban sa mga organizers ng FICTS, sila nabigyan din ng pormal na invitation mula sa lokal ng gobyerno ng Milan upang mag-perform ng Philippines cultural dance.

Nagpapasalamat din kami kay Hector Villanueva ng Cuba na isa sa mga coordinators na hindi kami nakakalimutan tawagin sa mga international events”, ayon kayDimaano.

Ang mga Pilipino ay palaging nasa listahan ng mga imbitasyon dagdag pa ng dance instructor.

Hinangaan ng mga manonood ang pagsasayaw ng “cariniosa” at dalawang beses pa pinaulit ang kanilang sayaw para sa ibang mga nationalities na hindi pa nakita ang kanilang performance.

Ang VIP dance group ay lumahok na sa ilang mga international events sa Milan at sa mga karatig lugar sa Lombardy mula ng itinatag ito noong taon 2013. Ang pinakamalaking event na nilahukan nila ay ang pagbukas ng Milan Expo 2015 noong buwan ng Mayo, pagtatapos ng dance instructor.

 

ni Chet de Castro Valencia

Larawan ni Arleen Marzan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carta di soggiorno na pinawalang-bisa sa nawalan ng trabaho, nasa Parliyamento na

Bagong uri ng electronic permit to stay, sinimulang iisyu ngayong Nobyembre