Milan, Pebrero 3, 2014 – Tuloy pa rin ang naging prosesyon sa Milan kahit malakas ang buhos ng ulan kasabay ng pagdiriwang ng pista ni Santo Niño o ng Holy child kamakailan. Naglakad ang mga deboto sa iba’t ibang bahagi sa sentro ng lungsod upang iparada ang imaheng Santo Niño bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob ng santo.
Ika-20 taon na ng pagdiriwang ng pista ng Sto. Niño sa Milan, Italy. Matatandaang ito ay nagsimula sa simbahan ng Sta. Monica sa Lambrate sa pamamagitan ng grupo ng Filipino Christian Community of Santo Niño de Cebu.
Ayon kay Malou Rauto, isa sa mga coordinators ng okasyon, sa panayam ng Ako ay Pilipino, ay si Father Alessandro Vavassori, ang italyanong paring nagtaguyod at sumuporta sa mga deboto ni Sto. Niño sa Lambrate upang masimulan ang pagdiriwang ng pista sa Milan. Hanggang sa ito ay dinala sa sentro ng lungsod, partikular sa Santuario di Santa Maria della Consolazione al Castello, Largo Cairoli.
“Sa pagbuo ni Father Vavassori ng grupo, ay walang presidente o group officers o namumuno kundi tulungan at pagkakaisa ng bawat isa lamang”, ayon kay Rauto.
Hanggang lumago ang grupo at dumami ang mga miyembro. Nagbuo na sila ng choir na pinamunuan ni Rauto. Mayroon na ding namahala sa liturgy at iba pang mga sangay upang higit na maging organisado ang grupo.
Bukod sa samahan ng mga nakakatanda, dagdag pa ni Rauto, ay nabuo din ang samahan ng mga kabataan. Aniya, sila ang nagbibigay ng buhay at higit na naging inspirado ang mga magulang kaya’t walang tigil ang kanilang pagiging aktibo lalo na’t pag sumasapit ang mga pista tulad nito.
“Tuwang tuwa ang mga Italians, they want to learn more about the Filipino culture”, masayang binanggit ni Rauto.
At maliban sa mga debotong Pilipino ay mayroon na ding mga debotong Italyano at iba pang mga lahi tulad ng mga Peruvians at Ecuadorians ang nagtutungo sa nasabing simabahan upang makiisa sa pista ng imahe. (Chet De Castro Valencia)
Another Sto. Nino celebration was held on 26 January 2014 at the Sta. Maria del Carmine Church, this time headed by the Filipino Community of Sta. Maria del Carmine Parish Church. Father Gaetano Parolini officiated at the Holy Mass, reminding everyone in his homily that Filipinos should be proud of their faith and values which they carry all over the world.
The feast of Sto. Niño reminded the Filipino devotees to be childlike in their ways in order to be closer to God and to His great gift to mankind, Jesus Christ. At the end of the Mass, Fr. Parolini called on Consul General Lourdes S. Tabamo to greet the attendees. She thanked Fr. Parolini and his associate, Fr. Prinky, for their untiring devotion to administer the spiritual needs of Filipinos. She also commended the Filipino Communities for organizing the Sto. Niño celebrations and for their continued cooperation with the Philippine Consulate in Milan.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]