Narito ang sampung listahan ng mga Voter’s ID na nasa Embahada ng Pilipinas sa Roma. Maaaring kunin ang voter’s ID ng personal o sa pamamagitan ng delega.
Roma, Enero 26, 2016 – Ang website ng Embahada ng Pilipinas sa Italya ay regular na naglalathala ng mga pangalan ng mga registered voters na ang mga voter’s ID ay nasa Embahada na.
Ayon sa anunsyo ng Embahada, ang mga VOTER’S ID ng mga pangalang nasa listahan ay maaari ng makuha sa WINDOW 8 ng Philippine Embassy Rome.
Mangyaring dalhin lamang ang Philippine passport, o kung hindi personal na makukuha ang VOTER’S ID, ay mangyaring magpadala ng delega sa inyong kinatawan.
Samantala, ang mga Voter’s ID ng mga Pilipino na naninirahan sa Northern Italy na sakop ng hurisdikyon ng Philippine Consulate General ng Milan ay ilalathala sa website nito ang mga pangalan sa lalong madaling panahon.
Kaugnay dito, lahat ng mga Overseas Voters na hindi pa nakatatanggap ng VOTER’S ID ay maaaring magfollow up nito sa Office of Overseas Voting, 7th Floor Palacio del Gobernador Building, Intramuros, Manila sa telepono (+632) 5212952 o 5222251 o email overseasvoting@comelec.gov.ph.
Gayunpaman, kung nais na malaman kung ang pangalan ay nasa listahan ng Certified List of Overseas Voters o CLOV, ay maaaring gamitin ang online tool ng Comelec. Dito ay makikita ang mga pangalan na kabilang sa final list na aprubado ng Resident Election Registration Board (RERB) at nangangahulugang makakaboto sa 2016 National elections.
Upang makita ang mga pangalan, mangyaring, piliin ang bansa at Embassy/Consulate kung saan nagpa-rehistro.
(last update: February 25, 2016)