in

Welcome Day International Students, Pagsalubong ng Bologna

Nitong ika-11 ng Oktubre,2018, ay ginanap sa Palazzo Re Enzo, Piazza del Nettuno, sa Bologna , ang ikatlong taon ng mainit at masiglang pagtanggap sa halos isanlibong dayuhang estudyante mula sa walumpu ‘t walong bansa sa pangunguna ng Rector ng Universita Di Bologna,UNIBO Prof. Francesco Ubertini at ng Deputy Rector na si Prof. Mirko Degli Esposti.

Ito ay tinaguriang WELCOME DAY for International Students. Nagkaroon ng programa upang magkakila-kilala ang mga dayuhang estudyante, magkaroon ng mga bagong kaibigan, mabigyang kaalaman sila tungkol sa Universita at sa siyudad na kung saan sila mananatili habang sila ay nag-aaral.

Ang Unibersidad ng Bologna (Universita di Bologna,UNIBO) na itinatag noon pang AD 1088, ay ang tinuturing na pinakamatandang unibersidad sa buong mundo ,na tuloy-tuloy ang operasyon at kinikilala bilang isa sa mga nangungunang akademikong institusyon sa Italya at sa buong Europa. Ito ay may mga kampus din sa mga lungsod ng Ravenna, Forli, Cesena at Rimini at isang branch center sa ibang bansa gaya sa Buenos Aires.

Dinaluhan din ito ng mga grupo mula sa komunidad ng mga migrante na kabilang sa Centro Interculturale Zonarelli, na pinamamahalaan ni Signor Fausto Amelii at sa pakikipagtulungan ng staff na kinabibilangan nila Luca Virgili, Luisa Granzotto at Massimo Droghetti.

Ang mga migranteng nakabase o nagtatrabaho sa Bologna ay dumalo na nakadamit ng kani-kanilang pambansang kasuotan. Kabilang dito ang mga Pilipino mula sa Federation of Filipino Associations,Bologna (FEDFAB), Filipino Women’s League (FWL). Alyansa ng Lahing Bulakenyo (ALAB) at ang LIWANAG Donne Filippine.

Nagkaroon din ng Photo Challenge contest ang mga estudyante. Ang mga larawan ay kuha sa kampus ng Universita na kanilang inilagay sa Instagram. Bago natapos ang programa at presentasyon ay inanunsiyo ang tatlong napiling larawan at pinagkalooban ng premyo ang mga nanalo

Grace Valdez Ramos

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FilCom Parma, May Bagong Presidente

GUARDIANS Emigrant (GE) Montecatini, kinatawan ng Filipino community sa “Marcia Armonia for Peace 2018”