Sa mahabang panahon, si Willie Revillame ay namayagpag sa telebisyon at naging paborito ng mga Filipino sa buong mundo. Subalit ang di pagkakaunawaan sa kanyang dating home network ay naging dahilan ng panandalian pagkawala ng kanyang programa.
Ngunit nagbalik si Willie Revillame sa isang mas malaki at mas masayang programa sa kanyang bagong home network, ang Wil Time Bigtime, na may dalang saya at naghahatid ng inspirasyon at pagasa.
Mas lalong pinalawak ang kanyang programa sa tulong ng Kapatid TV5. Dahil sa pag-partner ng Kapatid TV5 sa OSN-TV2MORO, makakasama ng muli ng mga masugid nyang taga tangkilik sa Italia si Willie araw araw.
Matatandaang sa tulong ng PIDA (Philippine Independence Day Association) ay nagtipon-tipon ang mga Filipino sa Roma noong nakaraang Marso 10, 2012 sa Ristorante Eden upang masaksihan ang launcing ng Filipino Plus, ang bagong Filipino TV service na hatid ng Orbit Showtime Network (OSN) at TV2MORO sa Italya. Nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga dumalo sa launching na makasama ang Pinoy matinee idol na si Aga Muhlach at ang komedyanteng si Alex Calleja.
“Kami po ay nagagalak at nakabalik na kami sa Italya sa aming bagong tahanan ang Kapatid TV5, na inyo lang mapapanood via OSN-TV2MORO,” sabi ng TV host. “Sa Wil Time Bigtime, gusto po naming magbigay ng pagasa at maghatid ng saya sa ating mga kababayans sa Italia at sa buong Europa para naman mapawi ang kanilang pananabik sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas” dagdag pa ni Willie.
At para talaga maging masaya ang kanyang pagbabalik, siya ay magbibigay sa mga Filipino sa Italy ng isang regalo na talaga namang ikakatuwa ng lahat. Bibigyan ng limang tickets sa kanyang show na Wil Time Bigtime ang lahat ng mag-sa-subscribe sa Filipino Plus TV package. Ang mga kabayan natin dito sa Italia ay pwedeng i-regalo ang mga nasabing tickets sa mga mahal nila sa buhay na nasa Pilipinas. Ang mga tickets na ito ay pwedeng gamitin anytime ngayong taon.
Ang Filipino Plus ay ang pinakabagong TV entertainment package na may walong Filipino channels: Kapatid TV5, Aksyon TV, GMA Pinoy TV, GMA Life TV, Pinoy Extreme, M&L TV, DZBB at DWLS-FM. Ito ay available sa alin man sa mga dealers ng OSN sa Italia, Sariling Atin (0647823586); Pacific Cargo (3208113640) and PhilCargo Travel (066149119 ).
Filipino Plus is delivered via IPTV, ito ay isang convenient at hassle-free na paraan ng panonood ng TV. Kailangan lang ng broadband connection at ang OSN-TV2MORO set top box na kasama sa subscription, wala ng installation. Through TV2MORO’s expertise in IPTV technology, Filipino Plus subscribers are assured of an uninterrupted and buffering-free viewing experience.