Catania, Disyembre 15, 2014 – Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Filipino Communities Federation of South Italy (FILCOMFEDSI) Winter League sa Catania nitong nakaraang linggo Dec. 7 na inorganisa ng Filipino Association of Catania (FAC) bilang host community ng tournament sa pangunguna ng presidente na si Baby Villapando at vice-president Bhong Y. Hailar Jr.
Dumalo rin sa nasabing okasyon mula sa Consulate of the Republic of the Philippines Palermo si Consul a.h. Antonino Di Liberto bilang panauhing pandangal na nagkaroon ng pagkakataon na magdaos ng consular service sa araw mismo ng paligsahan at nagbigay ng serbisyong publiko sa mga nangangailangan.
Humigit 500 katao ang dumalo at nakiisa sa nasabing One-Day League na kinabibilangan ng FILCOMFEDSI na nagmula pa sa filipino communities ng FWAC-Cosenza, GAFIC-Catanzaro, ACF-Messina, PDBA-Palermo, Filcom-Reggio Calabria at FAC-Catania.
Hinirang na kampeon sa basketball ang PDBA-Palermo, 2nd place ang FAC-Catania, 3rd place ang ACF-Messina, 4th place ang Filcom-Reggio Calabria, 5th place ang FWAC-Cosenza at 6th place naman ang GAFIC-Catanzaro.
Sa larangan ng volleyball, tinanghal na kampeon ang ACF-Messina, 2nd place ang Filcom-Reggio Calabria, 3rd place ang PDBA-Palermo, 4th place ang FAC-Catania, 5th place ang FWAC-Cosenza at 6th place naman ang GAFIC-Catanzaro. Samantala, hinirang na MVP for basketball si Vincent Barut ng PDBA Palermo at MVP for volleyball naman si Maria Galilea Casanada ng ACF-Messina at Best Muse naman si Bernadette Greco ng ACF-Messina.
Pinuri ng ibat-ibang filipino communities ang Filipino Association of Catania (FAC-Catania) sa maayos at well-organized na FILCOMFEDSI Winter League 2014 sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang community leaders ng nasabing federation.
Pangunahing layunin ng tournament ang pagtibayin at palakasin pa ang malawak na ugnayan at pagkakaisa ng bawat filipino communities sa ibayong dagat.
FAC
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]