in

Worldwide Walk ng INC, idinaos din sa Italya

Marami ang nakiisa sa inorganisang “Worldwide Walk to Fight Poverty” ng Iglesia ni Cristo o INC nitong nakaraang Mayo. Maging sa bansang Italya, ay idinaos ito sa Roma, Milan naman para sa Hilagang Italya at lungsod ng Pisa.

Sa inisyatibang ito ng INC ay muling binigyang diin ang tema ng kahirapan o poverty bilang isang epidemiyang pangdaigdigan na kinakailangan ng kaukulang atensyon at solusyon.

Ang “Worldwide Walk” ay isang charity action na sabay sabay na isinagawa sa iba’t-ibang ng dako ng mundo upang ipakita ng samahan na ang mapait na katotohanan ng kahirapan ay dinaranas ng lahat ng popolasyon sa buong mundo. Ang mga nakiisa ay  nagbigay ng kanya kanyang bolontaryong kontribusyon na mapupunta sa mga higit na nangangailangan saan mang sulok ng mundo.  May mga livelihood programs, food  at medical assistance ding  inoorganisa ang INC bilang tugon sa sigaw ng saklolo ng mga mahihirap. Sa katunayan, hindi ito ang unang pagkakataon na naorganisa ang worlwide walk. Noong 2014 ay nagsagawa na sila ng kaparehong aktibidad na naging matagumpay din.

Batay sa binitawang salita ng kanilang pamunuan, ang malilikom na pondo sa malaking ebentong ito ay nakatalaga sa mga proyektong  nasimulan na at  ipinagpapatuloy ng samahan katulad ng kanilang resettlement communities sa Pilipinas at sa kanilang mga bagong programa sa South Africa. Nangako naman ang mga miyembro ng  mga lokal na nakissa na patuloy nilang susuportahan ang administrasyon ng kanilang Iglesia sa pagpapatupad ng kanilang misyon na pagtulong sa mga nangangailangan at pagsunod sa mga aral na itinataguyod nito.

Maaga pa lamang ay mapapansin na ang mga kaanib na tumugon  sa tawag ng samahan na nagtipon tipon sa sentro ng Pisa bandang alas 10 ng umaga.  Maraming bata, mga kabataan at mga matatanda na nagmula sa mga locale ng Bologna,  Firenze , Lucca, at Livorno. Hindi ininda ng mga nakilahok ang malayong distansya ng biyahe at makikita sa mga mukha nila ang sigla at saya.

Kaugnay nito, sa kabila ng paghihigpit ng awtoridad sa Roma ukol sa pagbibigay ng awtorisasyon ay payapa at naging matagumpay na naisagawa ang Worldwide Walk.

Bukod sa mga Pilipino ay kapansin-pansin din ang naging partesipasyon ng ibang nasyunalidad sa layuning labanan ang kahirapan. Tanda lamang ito ng patuloy na paglago ng INC.

Tinahak nila ang isa sa mga pangunahing kalsada sa Roma, ang Trastevere.

 

 

https://www.facebook.com/akoaypilipinoitalya/videos/1995031537238839/

Quintin Kentz Cavite Jr.

Photo credits: Carol Sases

at PGA

video: Boyet Abucay

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ANG BAYAN KONG PILIPINAS

Nawalan ng trabaho, paano ang renewal ng permit to stay?