in

Xenophobia, mga Pilipinong biktima, dumarami

Ang Xenopobya, ayon sa diksyonaryo, ay isang uri ng abnormal na pagkatakot, pag-iwas at hindi pagkagusto sa mga dayuhan o anumang bagay na banyaga o hindi nakikilala. 

Sa Greek, ang xenos ay nangangahulugan ng “ taga-ibang lupa” , at ang phobos ay nangangahulugan ng “takot”. 

Maaari din sa pagitan ng pag-uugali na dala-dala ng isang grupo sa ibang grupo. Halimbawa ang konotasyon na ibinibigay ng isang lahi sa ibang lahi bunga ng di pagkagusto sa kanilang lahing pinanggalingan, kultura o paraan ng pamumuhay. Bukod sa mga nabanggit na pangyayari sa unahan, pinakamalala ay ang tuwirang pananakit, pangbubugbog na marami ay humantong sa pagkamatay ng mga biktima.

Pinakabagong biktima ng Xenophobia ay ang inulat na 5 taong gulang na batang Pilipino. Sinabihan siya ng “ madudumi kayong mga “intsik”, at inumangan ng sipa. Dahil bata at walang muwang, itinuloy nita ang paglapit, dito siya sinipa ng Ama ng nais makalarong bata. 

Hindi lang ito ang mga pangyayari ng sumabog ang balita ng Nobel Corona Virus 2019 na tinatawag din na NCov19. 

Sa Social Media, makikita ang post ng mga kababayan Pilipino na biktima ng Xenophobia o diskriminasyon. 

Sa Roma, isang binatilyo ang binugbog sa Cipro Roma bukod pa sa isang ginang na basta na lamang binatukan habang pababa ng Tren. 

Sa Firenze, dinuro-duro ang isang Pinoy na nakasakay sa Tram habang papasok sa trabaho. Marami din nagkukwento sa FB na nilalayuan sila sa upuan ng Bus. Tinitignan sila mula ulo hanggang paa at pinagbubulong-bulungan. 

Sa loob ng isang Fast Food Chain sa Milan, isang Tsino ang napabahing. Naglingunan ang lahat ng nasa kanyang unahan at kagyat na dumistansya. Ang ilan ay nagsalita ng masama. “Wala akong sakit ni ubo, napabahing lang ako” , habang nakataas ang palad sa harap ng mga matang umuusig, kanyang paliwanag. 

Ang bansang Italya ay isa sa mga bansang may mataas na naitalang mga pangyayaring may kinalaman sa diskriminasyon at ang mga pilipino ay biktima ng problemang ito. (ulat ni Ibarra Banaag)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

5 taong gulang na batang Pinoy, sinipa dahil napagkamalang Chinese

FBAI at MBA Italy, para sa Bangon Batangas