Isang matagumpay na event ang kauna-unahang concert ng Young Hearts of Rome. Ito ay ang YOUNG HEARTS of ROME AUTUMN MUSICAL SHOW na ginanap noong October 29, 2023 sa Teatro Aurelia. Nagpakita ng talento ang mga myembro ng Young Hearts kasama ang iba pang mga grupo sa Roma. Ang nasabing event ay sinoportahan din isang Italian group na nagmula pa sa Terni.
Pangunahing layunin ng grupo ang makapagbigay ng tulong sa Aruga Kapatid Foundation Incorporated, isang charity organization sa Mindoro. Dahilan upang i-organisa ang nasabing musical show. Bukod dito, malaking tulong ang grupo upang maging malusog o healthy ang mga Ofw sa Italya sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Merengue, Cha-cha, Salsa, Bachata, Tango, Pop, Regaeton at Zumba dance. Hindi rin mawawala ang pag-awit ng magaganda at masasayang awitin.
Ang Young Hearts of Rome ay nabuo noong 2017 sa pangunguna ni Zin Zaldy Lanas. Binigyan niya ng saya at mapaglilibangan ang ating mga kababayang Ofw sa Roma. Pinamumunuan naman ang grupo ni Bb. Juliet Mojares. Siya ang tumatayong ina ng Young Hearts of Rome. Line dance at Zumba ang karaniwang galawan ng Young Hearts of Rome. Ipinagpatuloy naman ni Zin Lheonel Sarmiento ang Zumba lesson tuwing linggo sa Circolo Tennis Stampa via Antonio Mancini 19 sa ganap na ika 5 to 6 ng hapon.
Ang grupo ay nagsimula sa anim na miyembro lamang at sa paglipas ng panahon, ay dumami na ang miyembro nito sa pamamagitan ng pag-iimbita sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala.
Ang Young Hearts of Rome Autumn Musical Show ay masayang natapos at nag-iwan ng isang hindi malilimutang karanasan sa lahat. Partikular, ito ay lalong nagpabata sa mga miyebro ng Young Hearts.
Patunay lamang na walang pinipiling edad ang pagiging masaya at magpasaya sa kapawa pati na rin sa hangaring maging instrumento ng malusog na pangangatawan at masayang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasayaw.
Sa kasalukuyan ang Young Hearts of Rome ay kinabibilangan nina Agleron Malou, Albano Gulibeal, Alvarez Merci, Atole Shirley, Cabangcla Linda, Celedonio Sarah Jane, De Lara Fe, Dijan Lanie, Ferreria Carmencita, Geronimo Juvy, Leoncio Joseda, Mojares Julieta, Naval Elizabeth, Panopio Rodesa, Peña Elsa, Quintela Macrina, Rosal Teresa, Santos Angelina, Sarmiento Alecia, Tingco Josie, Valentino Maytos.
Pasasalamat naman ang ipina-aabot ng buong grupo sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa kanilang kauna-unahang musical show.