in

Zendyrll isang ganap na bituin!

Una nating natunghayan si Zendyll Lagrana sa isang talent search TV program ‘Io Canto’ ni Gerry Scotti. Ngayon ay isa ng ganap na recording artist.

Maaari mo bang isalaysay ang iyong naging karanasan sa pag-awit.

alt“Ako si  Zendryll Anne Lagrana, 17 taong gulang at ako ay isang mag-aaral. Ako ay nahilig sa pag-awit sa eded na 3 at nagsimulang lumahok sa iba’t ibang singing contest sa edad na 6. Taong 2010 ng dumating ang malaking pagkakataon para sa akin, ang aking paglahok sa isa sa pinakasikat na talent search TV program na IO CANTO ni Gerry scotti. Isang hindi malilimutang karanasan dahil kahit kalian ay hindi ko pinangarap ang maging bahagi ng programa”.

Nagsimula ang pagbabago sa kanyang singing career sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono ng staff ng mediaset matapos maging panauhin ng programa ang isa sa pinakasikat na Singing Sensation of the Decade na si Charice Pempengco, ng ipamalas nito sa buong Italya ang isang mahirap na awiting Listen ni Beyoncè Knowles .

Ito nga ang nagtulak sa dalagita na harapin ang hamon ng entablado ng ‘Io Canto’. Sa katunayan, inawit ni altLagrana ang Stand up for love kung saan ipinakita ng dalaga ang husay sa pag-awit at potensyal ng kanyang boses. Isang talento na maaaring maging anino ng isang sikat na Charice sa Italya.

“Ang aking partisipasyon pagkatapos ay nagbunga sa pamamagitan ng isang producer na nagtiwala sa aking kakayahan, si PAOLO PALTRINIERI”.

Nagkaroon ba ng mga pagbabago sa iyong buhay? Sa iyong mga priyoridad?
“Sa totoo lang, hindi nagkaroon ng malaking pagbabago sa aking buhay maliban sa hindi ko na maaaring gawin ang ilang mga bagay-bagay na maaaring ‘makapinsala’ ang aking buhay bilang isang mang-aawit. Upang panatilihin ito,  sapat ng umawit ako ng mga awitin, hanggang sa maging perpekto ang aking interpretasyon nito; wala akong ibang paraan o segreto”.

Nananatiling top priority ko ang aking pag-aaral kahit na ang pagkanta ay naging isang aking propesyon at hindi na lamang isang hobby.

Malakalti ang iyong kontribusyon sa iyong  komunidad sa Italya. Ano ang masasabi mo ukol dito?

“Salamat at ako ay umaasa na ang pagiging modelo sa mga kabataang Pilipino ay magpapatuloy. Ang Filipino Community ay masyadong nakatutok sa trabaho at kami, mula sa ikalawang henerasyon ang magbibigay halaga sa kanilang mga itinanim sa pamamagitan ng pag-ani nito sa aming panahon, sa tamang paraan. Umaasa ako na ang lahat ng aking mga kababayan ay patuloy na susuporta sa akin at akin silang pinasasalamatan lahat. “

“Future plans? Hindi ko pa po alam. Sa kasalukuyan, sa pakikipagtulunagn sa Edel Srl Italy at ng ASSIM (Associazione per Italiani Musicisti) ako po ay isang ganap ng recording artist at ang titolo ng aking first single ay “Bring me Over”.

Bring me over

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pescara POLO-Outreach

Pilipino, ikalawa sa pinakamalaking populasyon sa Lazio. Ikalawa rin sa may pinakamataas na remittances