in

Zumba Fitness Firenze, naitayo sa ritmo ng musika

“Dance the stress away!”

Isang normal na araw ng sabado, nang magkasama-sama ang isang pangkat ng magkakaibigan sa Circolo Anconella sa Firenze. Kasabay ang masiglang ritmo ng musika ay napagdesisyunan nila na labanan ang stress na dulot ng mga nakaraang araw sanhi ng sobrang trabaho at personal na pakikibaka.  

Ang grupo ng MQB friends ang naging utak ng pagkakabuo ng Zumba Fitness Firenze na kinabibilangan nina Ethel Torino, Pilita Cantos,Carlota Anda, Rowena Manalo, Lolitha Ortega, at Judee Barcenas.  Nakiisa na rin ang iba pa nilang kaibigan na sina Leizel Driz, Julie Castillo, Norma Martinez, Liza Luzon,Sally Alvarez, at Arlene Abutin.

Sa pangunguna ni Judee, at sa pakikipagtulungan ni Arlene ng Santo Rosario at Sally ng Mindorenians ay naisakatuparan nila ang kanilang munting pangarap na pagbigkisin ang lahat na may hilig sa pagsayaw at pati na rin ang iba pang nais matutong sumayaw o kaya’y magpapawis sa maindayog na mga tugtog.

May common demominatorang mga kasapi ng samahang ito: lahat ay mahilig sumayaw at nagnanais na maging laging “physically fit”.Gusto rin ng samahan na maghasik ng kakaibang saya at kasiyahan bigkis ng iisang mithiin, ang magpalaganap ng kaligayahan sa kanilang mga kababayan sa pamamagitan ng pagsayaw ng zumba na isang kumbinasyon ng sayaw at aerobics na paggalaw na may energetic music. Maituturing ang zumba na hindi lamang isang pangkaraniwang sayaw kundi isang ehersisyo at fitness rehimen na may benepisyo para sa cardiovascular system at tumutulong na mapawi ang stress,  isang napakahusay na paraan para sa ating kalusugan.

Mula ng mabuo ang grupong ito ay naging normal routine na nila ang magtipon tipon tuwing araw ng sabado.  Mula sa kani-kanilang mga trabaho ay diretso na sila sa isanglocaleupang magrelease ng stress.

Ang kanilang pagzumba ay naging pampamilyang aktibidad na din. Makalipas ang ilang linggo mula sa pagkakabuo ng grupo ayl nakagiliwan na ring sumama ng kanilang mga kabiyak at mga anak sa kanilang lingguhang pagsasayaw. Hindi umano mabigat ang pagdadala ng grupo ayon sa mga “nanay dancers”, dahil bukod sa itinayo ito upang paglabanan ang stress ay hindi rin nito kinukuha ang kanilang ora sa kanilang mga pamilya. Katunayan ay mas nagkakasama-sama pa lalo ngayon ang mga pamilya sa nakaugalian na nilang tawaging “Saturday bonding”.  Dahil sa positibong dulot ng pagzuzumba ay lalong mas lumalaki ang grupo at hindi malayong kumuha na sila ng mas malaki pang sala fitness na handang magpatuloy sa mga mananayaw na ito sa makabagong ritmo ng musika ng zumba.

 

Judee Barcenas

Quintin Kentz Cavite Jr

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Carnevale, ang Pagsalubong sa Mahal na Araw sa Italya

Mga Pagbabago sa Batas sa Citizenship hatid ng Decreto Salvini