in

Zumba Mom sa Milan nabigyan ng unang dose ng Anti Covid19 Vaccine

Ako Ay Pilipino

Minda Agabat, mahigit 29 taong na sa bansang Italya at mahigit 9 na taon na rin siyang nagtratrabaho sa maintenance department ng ospital. Isa sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang sinalihan na Ryan Zumba class tuwing weekends.

Batid na sa kaalaman ng lahat na nadiskubre na ang tinatawag na Anti Covid19 vaccine na kung saan ilan sa mga Pharmaceutical companies ang gumawa nito at ikinalat sa buong mundo pagkatapos makumpirma ang bisa nito.

Kung dito bansang Italya ay nakapasok na ang nasabing gamot, at maraming mga frontliners ang nabakunahan na. Kung ang pag-uusapan ay yong mga doctor, nurses, mga health workers, mga rescue operatives gaya ng mga nakikita natin halos araw-araw mga ambulansiya sa lansangan, maging ang mga civilian dito ay nabakunahan.

Tulad ni Minda Abagat, kabilang sa mga frontliners, 64 taong gulang, tubong Bicol at isang OFW bilang maintenance worker sa isang ospital sa Via Mercalli dito sa Milan.

Ayon kay Abagat, sila ang huling batch na nabakunahan sa kadahilanang nauna ang mga doctor sumunod ang mga nurses at ang pang huli naman ay ang mga maintenance workers.

Pfizer-BioNtech Covid19 vaccination na Pharmaceutical company ang ginamit na vaccination sa lahat ng mga empleyado ng ospital.

Marami kaming mga pinoy dito ang nabakunahan hindi ko lang mabilang kung ilan kami”, ani Abagat.

Sila ay nabakunahan noong ika-16 ng Enero bilang paunang dosage at ang kasunod naman nito ayon sa kanya ay sa darating na Pebrero 6.

Sa kabila nito, sa panayam ng Ako ay Pilipino news kay QuintinKentz Cavite, isang First responder ng 118 Pistoia-Empoli sa Tuscany at sumailalim din ito sa unang shot ng Anti Covid vaccine ay sinabi niya na ito para makundisyon ang ating pangangatawan.

Ang katawan natin ay mayroon anti-bodies, sa unang shot ng vaccine ay upang mag react ang mga anti-bodies natin, nang sa ganun kapag nabigyan ka pangalawang shot ay para ma immunized ka sa partikular na virus na yun.” paliwanag ni Cavite

Dagdag pa ng 1st Responder ay mula sa araw ng unang pagbakuna ng isang indibiduwal ay maghihintay ng mahigit 21 bago siya bigyan ng final dose ng anti covid vaccine.  

Si Minda Agabat, may mahigit 29 taong na dito sa bansang Italia, mahigit 9 na taon na rin siyang nagtratrabaho sa maintenance department ng ospital, at isa sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang sinalihan nito na Ryan Zumba class tuwing weekends.

Huwag kayong matakot kasi yong iba lalo na sa facebook kung mag kuwento ang mga netizens na may mga namamatay o may mga nangyayaring masama pagkatapos ng maturukan. Huwag kayong maniwala sa mga kwento-kwento. Isa pa, manatiling maging malusog at sumunod sa protocol para sa ikaliligtas ng lahat.” Panawagan ni Minda.

Para sa mga karagdagan impormasyon tungkol sa Pfizer BioNtech ay maari niyong iclick ang link na ito: https://www.cdc.gov/vaccines/covid-19/info-by-product/pfizer/index.html. (ni Jesica Bautista)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

appointment bakuna over 80s Lazio Ako Ay Pilipino

February 1, simula ng appointment para sa bakuna ng mga over 80s sa Lazio

Rehiyon zona arancione zona gialla Ako Ay Pilipino

5 Rehiyon sa zona arancione, ang ibang Rehiyon ay lahat zona gialla na