in

10 taon ng residency sa citizenship, sa iisang lungsod ba dapat?

Magandang umaga po, ako ay naninirahan sa Italya ng 12 taon na at may regular na permit to stay. Ako ay unang nanirahan sa Milan at ako ay nagpatala doon. Pagkatapos ay nag-trabaho sa Bergamo at inilipat doon ang aking residency makalipas ang isang taon. Sa kasalukuyan ay 4 na taon na akong residente sa Turin. Sa pag-aaplay ng citizenship, ilang taon ako dapat residente sa iisang lungsod?

Marso 5, 2015 – Sa pagsusumite ng aplikasyon sa citizenship by residency, ay kinakailangan ang kabuuang bilang ng taon ng pagiging regular na residente sa bansa, kahit na ang mga ito ay sa iba’t ibang lalawigan.

Ayon sa batas, itinuturing na regular na residente sa Italya ang sinumang natutugunan ang mga kundisyon at obligasyong hinihingi ng batas ukol sa pagpasok at pananatili sa Italya at sa pagpaparehistro sa lungsod na tinitirahan (o iscrizione anagrafica) na nasasaad sa artikulo 9 ng legislative decree 572/93. Samakatwid, upang maituring na regular na residente sa bansa ay kailangang may balidong permit to stay at nakatala sa registry (anagrafe) ng munisipyong sumasakop sa tirahan.

Dahil dito, kung ang dayuhan ay nanirahan sa iba’t ibang lungsod kasabay ng paglilipat ng residensya, ay hindi nakaka-apekto sa kinakailangang bilang ng taon ng pagiging regular na residente sa Italya dahil ang residenysa ay kailangang walang patlang o tuluy-tuloy kahit na hindi sa iisang lungsod lamang.

Batay sa artikulo. 9, talata 1 ng Batas 91/92, ang aplikasyon sa citizenship by residency ay maaari lamang isumite matapos ang itinakdang taon ng pagiging regular na residente sa bansa at ito ay nag-iiba batay sa nasyunalidad ng dayuhan: 4 na taon para sa mga EU nationals, 5 taon para sa mga stateless at 10 naman para sa mga non-EU nationals.

Paalala:

Nasasaad sa regulasyon na isang obligasyon ng mga non-EU nationals na nakatala sa registry o anagrafe ang i-renew sa opisyal nito ang deklarasyon ng kasalukuyang tirahan (dichiarazione di dimora abituale) sa loob ng 60 araw matapos ang renewal ng permit to stay. Ang kawalan ng deklarasyong ito ay maaaring maging dahilan ng kanselasyon sa registry bilang residente makalipas ang 6 na buwan mula sa petsa ng expiration ng permit to stay. Gayunpaman, bago tuluyang gawin ang kanselasyon, ang tanggapan ay magpapadala ng abiso sa pinakahuling tirahan na idineklara ng dayuhan kasabay ang paanyaya na tumugon sa obligasyon sa loob ng 30 araw. Sa kasong ang dayuhan ay hindi tumugon sa panawagang ito, ay magpapatuloy ang registry sa kanselasyon (dahil sa irreperibilità) at ang Comune naman ang magbibigay ng komunikasyon sa awtoridad/pulisya.

Samakatuwid, ay ipinapayong ipagbigay-alam sa registry o anagrafe ang anumang pagbabago ng address na tinitirahan upang maiwasan ang kanselasyon sa registry at upang matugunan ang requirement sa aplikasyon ng citizenship.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship ipinagkait dahil sa wikang italyano, Prefect namagitan

Decreto flussi para sa 11,000 seasonal workers, inihahanda na!