in

14th month pay o quattordicesima, matatanggap ba sa domestic job?

domestic-job-ako-ay-pilipino

Ang 14th month pay, mas kilala sa tawag na quattordicesima ay isang uri ng karagdagang sahod na nakalaan lamang sa ilang uri ng trabahor. Sa madaling salita, ito ay tumutukoy sa isang buwang sahod at karaniwang ibinibigay bago ang bakasyon (o ferie), partikular sa buwan ng Hunyo-Hulyo.

Colf, makakatanggap ba ng 14th month pay o quattordicesima? 

Partikular, matapos ang panahon ng krisis hatid ng Covid19, maraming mga workers at ang mga pamilya nito ang nahihirapan at dahan-dahang muling bumabangon at nagbabalik trabaho, makalipas ang ilang buwan ng Cassa Integrazione.

Sa kasong ito, ang 14th month pay o quattordicesima at 13th month pay o tredicesima, para sa mga buwan ng CIG ay babayaran direkta ng Inps.

Walang angkop na batas ukol sa karapatan ng pagtanggap ng mga manggagawa ng 14th month pay. Ang regulasyon nito ay ibinabatay sa CCNL o Contratto Collettivi Nazionale del Lavoro ng bawat sektor. At sa ilang kaso, ito ay batay sa kasunduan ng employer-worker pati na rin sa individual contract ng worker.

Ito ay nasasaad sa mga CCNL ng settore Terziario-Commercio e Turismo, Studi professionali, settore alimentare, chimica, logistica e autotrasporto.

Lahat ng mga workers na nasasakop ng mga nabanggit na sektor, hanggang sa matapos ang buwan ng Hukyo 2021, ay makakatanggap ng quattordicesima.

Samantala, ang quattordicesima ay hindi nasasaad sa CCNL ng lavoro domestico. Ito ay nangangahulugan na hindi kabilang ang domestic job sa mga kategoryang tumatanggap ng 14esima. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

Ako ay Pilipino

Maximum na bilang ng tao sa isang table, narito ang bagong regulasyon

Abruzzo, Liguria, Umbria at Veneto sa zona bianca