Ako ay magdiriwang ng ika-18 kaarawan sa susunod na buwan. Ako po ay naninirahan kasama ang aking pamilya. Hindi ako nag-aaral at wala rin akong regular na trabaho. Ang aking permit to stay per motivi familiari ay malapit ng mag-expire. Kapag ako ay naging 18 taong gulang na, maaari po ba akong mag-renew ng permesso per motivi familiari?
Marso 21, 2014 – Ayon sa Directive n° 17272/7 ng Ministry of Interior noong Marso 28, 2008, ang non-EU national na mayroong permesso di soggiorno per motivi familiari, ay maaaring i-renew itong muli sa pagsapit ng 18 taong gulang, kung ang magulang ay nagtataglay ng mga kundisyon tulad ng sapat na sahod at angkop na tahanan na hinihingi ng ricongiungimento familiare. Ang validity ng dokumento ay katulad ng sa mga magulang dahil ang permesso di soggiorno per motivi familiari na ibinigay sa anak ay nakabatay sa dokumento ng magulang.
Ang directive na ito ay para sa mga hindi makatugon sa mga requirements na nasasaad sa artikulo 32 ng d.lgs. 286/98 para sa renewal ng permesso per motivo di studio, lavoro o attesa occupazione.
Hindi lamang ang mga kabataan, sa pagsapit ng wastong gulang, ang nahihirapang mag-desisyon kung ano ang nais sa kinabukasan: ang magpatuloy sa pag-aaral o ang maghanap ng trabaho ay maaaring maging isang mahirap na kalagayan para sa kanila. Ito ay maaaring humantong sa pagsandal ng anak sa puder ng magulang at samakatwid ay ang pagiging caricong anak. Sa pamamagitan ng directive na ito, ay ibinibigay ang posibilidad ng pagre-renew ng permit to stay ng mga dayuhang kabataan na huminto o hindi nagpatuloy sa pag-aaral at walang trabaho ngunit may posibildad ang manatiling carico ng mga magulang.